Karamihan sa atin eh nalulungkot, nababadtrip, naiinis kapag umuulan. Ako, depende, minsan kse masarap pag may kasama ka habang umuulan, tamang kwentuhan lang, kape, yosi, exchange ng ideas. Pero ngayon solo ako dito sa kwarto ko sa basement. Nakakatamad lumabas ng bahay pag umuulan, lalo na sa maynila, kasi naman, nagiging munting lawa ang maynila tuwing lumulubog sa baha. Sa makati ok yung baha kasi parang batis lang yung kanal, malinaw yung tubig hehehe.

Siguro ang ulan ang regalo ng diyos sa atin para makapag-isip, ang buhay kse ng tao masyadong busy, pero pag umuulan napipilitan tayong pumirme sa bahay. Siyempre dahil nag-iisa ka, hindi mo maiiwasang mag-emote, mag-isip, humilata sa kama at dumungaw sa bintana. Panahon na iginugugol mo lang sa iyong sarili.

Umuulan ngayon, maghapon na akong babad sa laptop, nagpapatugtog ng pinikpikan, tinatamad mag workout kse ang hirap pagpawisan. Naka-2 bote na ako ng C2, 12 stick ng Marlboro, 3 pakete ng crackers. Nagbabasa ng Forums, Naniningin ng mga pictures sa Nikon D40x forum sa TipidPc.com. Mamaya ihahanda ko na ang kapote ko at pupunta sa bayan para bumili ng supplies na kailangan ko for next week.

Nakakatamad ang ulan, pero kakaibang katahimikan din ang dala nito para sakin, ang sarap panuorin ng bawat patak, kahit maingay ang bagsak sa bubong eh parang synchronized chaos yung tunog. Hindi ako inaantok pero sobrang relaxed ang katawan ko. parang nagpapahinga ka ng gising.

Mas ok pa rin ang ulan kaysa naman bumabagyo…šŸ™‚