Home

Maikli

1 Comment

ang post na ito ay maikli. end.

(ito ang pinaka-maikling post)

Street foods atbp.

4 Comments

Maraming nagsasabing madumi ang street foods, pero marami rin naman ang tumatangkilik nito. Ang street foods kasi ay kasama na sa kulturang pinoy, isang agarang sagot sa gutom at panandaliang pamatid uhaw. At ang listahan ko ng mga street foods na naaalala ko ay:

*Fishballs – all time favorite ng mga pinoy, masarap ang lasa nito sapagkat ang mantika ay isang linggo nang hindi pinapalitan, dahil dito, nanunuot sa bawat bahagi ng fishball ang “unique” flavor nito. Ilang beses na akong sumubok magluto ng fishball sa bahay, bumili pa ako ng brand na gamit ng nagtitinda ng fishball sa amin sa Aguado Malacanang, Ngunit hindi ko makopya ang lasa ng fishball sa kalye. Presyo: 50 centavos/each pag luto, libre pag hilaw.

*Squidballs – Niluluto kasama ang fishball ngunit hindi naglalasang fishball. Mas mahal kumpara sa fishball pero mas masarap din naman. Kung pagmamasdang mabuti ay napakasarap tusukin ng squidball, malaki kasi ito, pero para itong lobo na pag tinusok mo ay liliit, parang false advertising. Gawa daw ito sa nabubulok na pusit, yun ang sabi ng mga nakatatanda. Nabubulok man o hindi, masarap pa rin. Presyo: 2 pesos/each pag luto, ??? pag hilaw.

*Chicken balls – Masama ang epekto ng chicken balls sa mga taong maraming allergies. May pinsan kasi ako na hindi naman allergic sa manok (may poultry pa nga sila) pero noong minsang nilasap nya ang balls na ito ay muntikan na siyang mag-choke. Namaga bigla ang kanyang lalamunan at sumikip ang daluyan ng hangin. Hanggang ngayon, isang malaking misteryo pa rin ang nangyari sa kanya, ano nga kaya ang ingredient na nagdulot nito? Presyo: 2 pesos/each pag luto ??? pag hilaw.

*Balot – Masarap ang balot, pero para sa mga banyaga, pang “fear factor” ito. May mga tao na hindi kumakain ng sisiw. Nakakadiri daw. Ako masaya na pag nakakain ng balot, good source din kasi ito ng protein. Lahat pati ng makolesterol ay masarap. Balot included. Presyo: 8-10 pesos/each pag luto, 5-7 pesos pag hilaw.

*Penoy – Pag ang itlog hindi naging balot, nagiging penoy. Parang ordinaryong nilabong itlog, pero ang penoy ay may ekis na ginamitan ng lapis o lumang crayola. Presyo: 6-8 pesos pag luto, 4-5 pesos pag hilaw.

*1 day old chicken fetus – I tried it once, I’ll never eat it again. Hindi ako pihikan sa pagkain pero hindi ko talaga ito masikmura. Weird yung lasa, weird din yung texture. Weirdo. Presyo: 3-5 pesos/each pagluto. Hayaan na lang mabuhay at lumaki kung hilaw para maging isang masarap na fried chicken pagdating ng panahon.

*Double-dead na chicharon – Pangalan pa lang nakakatakot na, hindi naman masama ang lasa nito, pero noong minsan na kumain kami nito kasama ang kaibigan kong si Duduy sa Pedro Gil ay nilagnat ako. Hindi ko alam kung dahil double-dead yung kinain ko o dahil lang masyadong maraming vetsin na inilagay si manong. Presyo: 5-10 pesos isang salop pag luto. Matapang ang kakain nito ng hilaw.

*Calamares – Sinubukan ko din ito ng isang beses, ok na rin kahit papaano. Kaya lang bigla naman kumalat ang balita na may formalin ito. Ok sana kaya lang yung pinaglulutuan ay nangingitim na. Hindi na ako muling kumain nito. Hindi pa ako patay para magkaron ng formalin sa katawan. Presyo: 3 pesos/each pag luto. Hindi mabubulok dahil sa formalin pag hilaw.

*Kwek-kwek at Tokneneng – Nilabong itlog na ibinalot sa misteryosong orange na mixture na gawa sa harina, tubig, vetsin. Pagkatapos ay ipiprito. Isasawsaw sa suka. Ok rin na pantawid gutom. 3-7 pesos/each pag luto, ??? pag hilaw. Nakakadiri naman kung hilaw yung orange na coating nito.

*Mga inihaw na bagay – hindi ko na ito ipapaliwanag. Alam na to ng lahat. Panalo pa rin ang isaw sa UP at ipaglalaban ko ito ng patayan. Priceless!

*Sorbetes – Binansagang dirty ice cream. Iba ang lasa nito kumpara sa Magnolia or Selecta. May kakaibang sipa ito, lalo na sa tiyan pag totoong “dirty” ang nakain mo. Pero karaniwan ay hindi yung sorbetes ang madumi kundi ang kamay ng nagtitinda nito. Ikaw ba naman ang umihi sa tabihan, sabay serve ng sorbetes. Tuwang-tuwa naman ang kumakain. Sarap! hahaha! Presyo: 5-10 pesos/each pag ok. Hindi mo gugustuhing bumili pag tunaw.

*Scramble – Kulay pink, may kakaiba rin na lasa at mas masarap kung marami yung inilalagay na gatas at chocolate syrup. Kung hindi mag-iingat, maaaring maging biktima ng diarrhea, pananakit ng tiyan at stroke. Joke lang, hindi yan cause ng stroke. hehe! Presyo: 5 pesos/cup pag ok. Kulay mertiolet pag tunaw.

*Palamig – Juice ng medyo kapos sa pera. Kadalasan makikita mong yellow ang pineapple juice, pero pag natikman mo na ay parang malamig na tubig lang na may asukal. Hindi ako umiinom nito, hindi ko kasi alam ang pinanggalingan ng tubig na ginamit dito. Ipagpapalit ko ang isang container nito sa isang pirasong sachet ng extra joss. Presyo:2-5 pesos/cup. Libre ang pananakit ng tiyan.

*Mais – Ang mais ay medyo messy na kainin sa publiko. Didikit kasi sa bibig mo ang mantika na galing sa mantikilyang ipinahid dito. Ang sabaw naman ay dadaloy sa iyong braso kung wala ito sa plastic at basta nakatuhog lang sa stick. 10-15 pesos/each pag luto. 5-10 pesos/each pag hilaw.

*Mangga at Singkamas – Nakababad sa malabong tubig na nakalagay sa malaking lumang garapon ng ladies choice. Hindi ako mahilig sa singkamas, parang niloloko mo lang kasi ang sarili mo pag kumakain ka nito, wala kasing lasa. Yung mangga naman ay ayos lang, basta hindi galing dun sa maduming tubig. Presyo: hindi ko alam, hindi ako namamalengke. Grocery ako kasi sosyal ako, hindi… wala akong pera kaya wala akong pamalengke…

*Chicharon na bituka ng manok – Malutong, kulay brown, maraming vetsin at asin. Mainam din na ulam sa kanin kung medyo kapos sa budget o pag nakalimutan kang padalhan ng allowance ng magulang mo na nasa probinsya. Presyo: Depende sa dami pero karaniwan ay 5 pesos/each. Pag hilaw wala akong idea.

*Chicken skin – Chicharon na gawa sa balat ng manok, may kaakit-akit na aroma na talagang hindi mo mahihindian. Mayaman sa kolesterol. Kumbaga eh parang ito ang isa sa bill gates ng kolesterol. Presyo: 10 pesos/maliit na supot. 25 pesos per kilo sa mall.

Madalas akong bumiyahe patungong Lucena city or Manila 0r vice versa. Sa bus marami ring pagkain. 4 na oras kasi ang trip kasama na dun ang trapik. Ok lang makalimot ng baon na pagkain pag sumakay sa bus, basta magaling kang pumili ng bibilhin mo. Eto ang ilan sa mga pagkain sa bus:

*Pinagong – Pag galing ka sa Lucena patungo ng maynila, alam mong nasa sariaya quezon ka na pag may sumisigaw na ng pinagong. Ito ay tinapay na mukhang likod ng dinosaur, masarap kainin habang mainit. Presyo: 10-15 pesos/pack pag luto. ??? pag hilaw.

*Buko pie – Malamang nasa parteng San Pablo laguna ka na pag ito na ang tinda. Parang mini buko pie sapagkat ito ay malaki lang ng konti sa cupcake. Sa unang kagat ay hindi mo mahahalata, pero habang tumatagal, hinahanap mo yung “buko” sa loob nito na para bang nahihiya sayo o nagtatago dahil wala kang malasahan na buko. Sa huli, para ka lang bumili ng normal na tinapay, sana nag-pinagong ka na lang. Presyo: 10 pesos/each pag luto. Kahit luto ay lasang hilaw.

*Mani – Kahit saan sumasakay sila, kahit hindi sila sumigaw ay malalaman mong andyan na sila dahil amoy bawang na ang buong bus. Ang punchline? “Mani, mani, mainit pa oh, masarap, may bawang, mani, mani, libangan sa biyahe oh, kutkutin sa biyahe!” yan ang sigaw ng tindero. Pwede palang maging libangan ang mani! kung paano? hindi ko alam, siguro parang PSP or mp3 player, lilibangin ka sa biyahe. Ikaw na ang bahalang dumiskarte kung paano ka malilibang, kung meron kang sinulid at karayom pwede mo rin sigurong gawing kwintas. Presyo: 5 pesos/isang maliit na papel na supot. ??? pag hilaw.

*Burger – Sa may Turbina, dito sumasakay ang mga tindero nito, sisigaw sila ng sisigaw ng “Barger, Barger Bagong luto!” hanggat hindi mo sila pinapansin. Bakit “barger” ang tawag nila? hindi ko rin alam. Siguro kasi dahil ang patties ng “Barger” na ito ay gawa sa 20% meat, 5% egg, 5% spices, at 70% flour. Presyo: 10 pesos/each pag luto, subukan mong kumain nito ng hilaw at balitaan mo ako ha?

*Bibingka – Sa may Tiaong-San Pablo boundary ito madalas matatagpuan, sa may riles ng tren. Malasa at mas gugustuhin ko pa kaysa buko pie. Presyo: 10-12 pesos/each pag luto. Parang tunaw na ice cream pag hilaw.

*Espasol – Gawa sa malagkit na uri ng kanin at nilagyan ng harina na medyo rough yung texture. Presyo: 10-15 pesos/each. Ready to eat!

*Macapuno at ube – Bite size pieces na nakalagay sa isang maliit na plastic. Masarap din pero palagay ko ay hindi ito pwedeng gawing “libangan.” Siguro yung ube pwede mong gawing clay o play doh. Gumawa ka ng ahas or dinosaur. Presyo: 10-15 pesos/pack. Ready to eat!

Haaay… alaala ng mga pagkain… pero dahil diet ako… sa imagination na lang muna… Parang Planetang pakaskas…

Hanggang sa muli mga batang Batibot! Weee!

Ang hiwaga ng Green tea

1 Comment

Nakakapagod ang buong maghapon, sumama ako sa tatay ko sa pinapagawa niyang farm para kunin ang mixer ng semento na ako ang nagdala kahapon, sobrang bigat ng mixer na to, hindi kinaya ng mumunti kong mga muscles.

Hindi ko pinapalipas ang pagbubuhat ng weights araw-araw, minsan pag tinatamad eh wala pang 30 mins tapos na ako, may nabasa kasi ako sa yahoo na 15 minute burst workouts can burn calories after that. May slight change naman sa katawan ko after 1 month ng pagbubuhat, pero ang pagbubuhat ng mixer ng semento ay hindi biro. Kahit siguro si Hulk Hogan ay hindi kakayanin ang bigat.

Pagkagaling ko sa farm ay nagbasa lang ako ng mga informative nothings sa internet, nakakulitan ko pa sa chat sa YM ang mga kaibigan ko. Matapos ang ilang sandali, nagpasya na akong maligo at umalis patungong grocery store. Binigyan ako ng kuya ko ng 200 pesos, ibili ko daw siya ng 5 kaha ng winston red at isang lapad na emperador, sabi ko dalwahin na niya, pumayag naman siya, sabi ko tatluhin mo na para wala nang sukli. Umiling ang kuya ko. hehehe!

Medyo umaambon kaya nagdecide akong magdala ng jacket at bag na paglalagyan ko ng groceries ko. Pagdating ko doon, deretso agad sa lalagyan ng mga C2, hindi yung maliit, yung todo 1 liter, kasi maliit lang yung price difference. Hindi na maiitanggi na C2 addict na talaga ako. Bumili rin ako ng crackers (hindi ako mahilig d2 pero I’m learning to love it!) Oatmeal, revicon ion, Bayfresh na apple scented (apple flavor sana para natitikman mo ang hangin) at isang rim ng Marlboro red.

The Loot

“The healthy loot” (siyempre hindi kasama yung yosi at bayfresh)

Maraming produkto ngayon sa market na may green tea, eto ang ilan sa mga narinig ko:

*Green Tea – Eto yung totoong green tea na medyo hindi ko gs2 yung lasa pero epektib to.

*Sunblock na may green tea – Never tried pero siguro naman ok din.

*Ladies sanitary napkin with green tea – Nakakatawa pero totoo, it sells for 20 pesos, each, nakapanuod na yung kaibigan kong si Meyn, absorbent daw talaga pero hindi nya na sinubukan yung “freshness test” hahaha!

*Green tea capsules – Madaming benefits ang green tea, pero ito ang para sa mga taong ayaw ng lasa ng green tea, kulay weewee nga naman kung pagmamasdan, mainit pa.

*Flavored green tea – Parang C2 or One tea, target nito ang mga kabataan (gaya ko) maraming ibat-ibang flavor, may apple, peach, lemon, strawberry. May rumors na masama daw ito sa katawan, pero wala pa namang nangyayari sakin na masama. Pag nagkataon, ako ang magiging halimbawa kung totoo to. hehe!

*Green tea soap – Ok sana kung edible to, para dual purpose, pero ooopppsss! Wag sisisihin ang manufacturer pag bumula ang bibig… literally.

*Green tea facial wash – Hmmm… parang mga durog na dahon na ipinupunas mo sa makinis mong mukha. Dulot nito ang mala porselanang kutis.

Sa future eto ang mga inaasahan ko:

*Marlboro with green tea leaves – A healthy way to die!

*Chocolate na may green tea – Nakakatabang pagkain na may slimming benefits din. Pag nasobrahan ay merong imploding effects. Parang blackhole.

*Green tea spa – Spa na ang lahat ng offer ay tungkol sa green tea.

*Coke with green tea – Dahil masarap talaga ang bawal, lalagyan nila ng kaunting teaser.

*Green tea V – TV channel na ang feature, episode, documentary, spoof at bloopers ay tungkol sa green tea. Parang yung aquarium channel dati noong highschool ako, kaya lang para lang yun sa hindi makabili ng sariling aquarium pero may cable TV. Hindi ka na magpapakain, manunuod ka na lang. Wala pa ring imposible sa TV, naabutan ko minsan na patay na yung isang goldfish. hehehe!

*Emperador with green tea extract – Sinong may sabi na masama ang alak?

Ambrosia: San ka nanaman galing? wag mong sabihing overtime ka nanaman??!

Tiburcio: Ano ka ba honey? nag cleansing lang kami nina pareng Andoy. I’m ok. zzzzz…

Iba ang epekto ng green tea sakin, palagi akong umiihi (sa tamang lugar at hindi sa kama) nawawalan din ako ng ganang kumain, kaya madalas, green tea at crakers ang “combi” ko. nakakaraon naman ang araw at may nakikita naman akong magandang epekto sa katawan ko, ang hindi ko lang kaya eh yung pagbagsak ng sugar rush ko sa katawan. Ang pinaka obyus na side effect… itong mga pinagsususulat ko ngayon.

Sana magkaron na ng Marlboro na may green tea leaves, bibili ako ng isang kahon nito at tatawagin kong Marlboro Green kahit na ang Marlboro Green naman ay menthol.

Welcome to WordPress Marc & Pure!

Leave a comment

Maligayang pagsusulat sa kaibigan kong si Marc at Pure!

Kung gusto niyo mabasa ang mga blog nila, click nyo lang ang “Blog ni marc” at Blog ni pure” sa blog roll ko sa tabihan. Enjoy!

Kalayaang makapagsulat

3 Comments

Naghahanap ako ng paraan sa internet upang kumita ng extra sa pagsusulat ko sa blog ko. Madami na akong na search na may magandang offer at kikita ka sa paglalagay mo lang ng links nila sa blogsite mo.

Noong una, masarap pakinggan, sumusulat ka na rin lang eh di pagkakitaan mo na, pero hindi ko masikmura ang pinapagawa sa akin ng website na napili ko kanina… Parang sumusulat lang ako dahil kailangan ko ng pera at hindi dahil mahilig akong magsulat. Papadalahan nila ako ng e-mail tungkol sa isang bagay na dapat kong isulat, pagkatapos ay ilalagay ko ang link ng website ng produkto, serbisyo, samahan, kumpanya sa blog ko. Doon pa lang eh napasigaw na ako ng “HUWAT???” siguro ok lang naman to kasi parang give and take relationship ang dating. Magsulat ka sa blog mo>>>kikita ang mga advertisers>>>papadalhan ka ng bayad via a Paypal account>>> niloko mo ang sarili mo, pero may pera ka. End.

Masarap pakinggan pero hindi ko kaya… Parang outlet ko na kasi ang sumulat, kaya pakiramdam ko eh sinasarhan nila ang pintuan ko na makapaglabas ng aking mga saloobin kapalit ang kabayaran sa pagsulat sa mga produktong kahit ako eh wala namang interes.

Siguro pansamantala, habang may oras pa ako, eh mag eenjoy na lang muna ako sa kalayaan kong makapagsulat ng kahit na anong gusto ko. Hindi ko na rin babanggitin ang mga website ng mga advertisers na yan kasi makakalibre pa sila ng advertisment sa blog ko. hahaha!

Pagdating ng panahon, gusto ko rin kumita ng extra sa pagsusulat ko. Pero sa ngayon, Sapat na sa akin na may mga taong nakakaapreciate ng mga pinaglalalagay ko dito.

Kaya para sa inyong lahat…

ETO ANG SAYO!

Balik tanaw sa Nintendo (a.k.a. Family Computer)

1 Comment

Noong late 80’s, usong-uso ang family computer, madaming bata ang nahumaling sa paglalaro nito. Iba kasi ang saya at eksaytment na hatid nito, marami ring magkakapatid ang nag-aaway dahil nag-aagawan sa paglalaro. Masarap maging bata, kung bibigyan ako ng pagkakataon maging bata ulit eh palagay ko hindi na ako magdadalawang-isip pa. Isa ang pagkabata sa may pinaka maraming masayang alaala. Paglalaro ng Bankang papel sa kanal, maglaro ng chi-chu (di ko alam kung tama spelling ko), Taguan, Teks, Langit-Lupa, Saksak puso (brutal), habulan (pamparami ng peklat, sugat, at keloyd), turumpo, touching (medyo tunog bastos pero masaya to lalo na pag mat nakalagay na pampabigat ang pambato mo) atbp. Pero iba pa rin ang meron kang family computer, sikat ka. Madalas ang hiraman ng bala (cartridge), madalas din magkawalaan ng bala lalo na kung 100 in 1 ang bala mo. Mainit sa mata kumbaga.

Sa halagang 1,000 piso, may family computer ka na. Medyo may kamahalan na ito noong mga panahon na yon, pero ngayon, kulang pa ang 1,000 para sa isang matinong date kasama ang nililigawan mo o ang girlfriend mo. Malaking pera na ang 1,000 dati. Hehehe! at naaalala ko… piso lang ang pamasahe sa jeep.

Eto ang mga naaalala ko na games na nilalaro ko:

*Contra – kahalintulad ng Rambo pero meron kang ka-parner. Pag patay ka na, pwede kang mang-agaw ng buhay at ito ang madalas na pinag-aawayan ng magkalaro.

*Goonies – Hango sa isang pelikula noong 80’s, hindi ko ito natapos dahil lagi lang akong stuck sa stage 5.

*Pooyan – Mga wolf na umaakyat sa puno at huhulugan ka ng bato, o babatuhin ka ng kamatis para mamatay ka, kailangan mong tirahin ng pana ang mga lobo upang sila ay mahulog at mahulog patungo sa kanilang kamatayan.

*Pacman – all star favorite pero hindi ko ito masyado na-enjoy. Pero gusto ko ang teknik nya. Kain ng kain pero hindi tumataba.

*Rush and Attack – Parang contra pero sa halip na baril eh kutsilyo ang gamit mo. Isa sa pinakamatapang na laro. Susugod sa giyera kutsilyo lang? Yabang!

*Arkanoid – Parang ping pong pero kailangan mong basagin ang makukulay na parihaba upang makapunta sa kabilang stage. Hindi ko makuha yung logic, parang dexterity game din, more on hand-eye coordination.

*Mario – Ano ang silbi ng family computer kung wala nito? sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nakakita ng nakatapos ng mario 1, medyo mahirap.

*Adventure Island – Hango sa mario pero sa halip na plumber ay isa kang caveman (na may skateboard na nakukuha sa itlog).

*Baloon fight – one of the best games na nalaro ko, kailangan mo ng skill dito para hindi ka maputukan ng lobo ng kalaban. Simple lang pero hindi nakakasawa, tipong pag naiinip ka na sa game eh lumipad ka lang ng mababa dun sa may tubig at aliwin mo ang sarili mo dun sa lumalabas na malaking isda na nagtatangka sa buhay mo.

*Bomberman – ihanda mo ang papel at lapis para kahit mamatay ka eh maiitago mo ang password at hindi ka babalik sa stage 1.

*Ice Climber – nakakangalay pumindot ng A button para makatalon ka at makabasad ng mga bricks. Yung polar bear, makulit.

*Donkey Kong Jr. – All time classic.

*Elevator action – Masayang laruin, medyo mabagal nga lang yung gameplay kasi mabagal yung mga elevator.

*Galaga – Isa kang spaceship na walang magawa kaya binubulabog mo ang mga alien na mukhang insekto. In return, susugurin ka nila at sisiguraduhing hindi ka makakaligtas, ang tanging paraan para lumakas ang fire power mo ay ang magpa-capture at iligtas ang kasamahan para 2 na kyo na bumabaril.

*Galaxian – Kapatid siguro to ni Galaga, hindi kaya ay third cousin.

*The legend of Kage – Isa kang ninja, sinulot ng kalaban ang girlfriend mong geisha at ngayon ay puno ng poot ang iyong damdamin kaya gusto mong gumanti. Paikot-ikot lang ang istorya hanggang mamaga na ang mga daliri mo sa pagpindot ng controller.

*Robocop – Sa movie, astig si robocop, parang untouchable ng kahit anong nilalang, pero sa video game, nasasaktan siya pag nilundagan siya ng pusa sa alley. Weak si Robocop.

note: Up,Up,Down,Down,Left,Right,Left,Right,A,B,A,B,Select,Start. Kung gagawin ito sa isang laro, maari kang magkaron ng 30 lives sa contra, god mode sa life force at gradius atbp. Kailangan mo na lang bumili ng family computer…

Ang araw ng Linggo

Leave a comment

Umaga na ako nakauwi galing sa birthday party ni Giselle, Kapatid ng kaibigan kong si Peach. Masaya yung party at talaga namang nagbabad kami sa videoke hanggang alas 4 y medya ng umaga. 5:30am na ako nakauwi ng bahay, gising na ang nanay at tatay ko at nagkakape sila pagdating ko. Gaya ng nakaugalian, mano, paliwanag kung saan ako galing, baba sa kwarto ko sa basement, hubad & hubo, quick hot shower, bihis, sigaw ng good morning, sabay higa, at tulog.

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. Kinatok nya ako sa kwarto ko ng pagkalakas-lakas. Sumigaw na lang ako at sinabing tulog pa ako. Masama ang ugali ko pag ginigising ako ng wala sa oras, nasisira din ang buong araw ko pag ganun. Kaya kung gigisingin mo ako ng wala sa oras, magdala ka na ng pananggalang o baluti, dahil tiyak, ibubuhos ko sayo ang galit ko.

Alas-4 na ako ng hapon nagising, kumuha agad ako ng pagkain sa taas. Ok naman yung araw na to kasi hindi masyadong umulan. Nanghihinayang lang ako dahil halos kalahati ng araw ko eh natulog lang ako. Hindi naman ako masyadong uminom kagabi, siguro 3-4 na tagay lang, nilibang ko ang sarili ko sa pag-awit at pagkain ng pulutan. Pero dahil halos bukang liwayway na ako nakarating sa bahay eh plakda talaga ako sa kama.

Lumabas ako ng bahay bandang alas-9 ng gabi, nasa tambayan kasi ang barkada. Tutal wala naman akong gagawin eh pumunta ako dun. The usual, yosi, kwentuhan, DOTA, at short visits sa 7-11 para bumili ng c2.

Ang oras na ngayon sa relo ko ay alas-4 ng umaga, Lunes na at kakarating ko lang sa bahay.

Minsan naiisip ko na nasasayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay, may mga araw kasi na hindi talaga ako productive, tipong lumilipas yung oras na wala akong nagawang significant sa buhay ko o sa buhay ng ibang tao. Pag nasa Manila naman ako, palagi naman akong may ginagawa, para akong robot, hindi yung tulad ni robocop, R2D2 o Daimos. Yung robot na naka-program dahil lahat ng kilos ko naka plot. Pag may plan ako sa isang araw eh hindi na kita maiisingit, mapwera manlilibre ka sa Sbarro o Starbucks. hehehe!

Ang dami kong librong gustong basahin, sobrang dami kong oras para magbasa, pero hindi ko pa rin magawa, stuck ako sa harap ng laptop, nagbabasa ng kung anu-ano o nanunuod ng video, either sa youtube or sa streaming website ng family guy.

Masarap tumambay kasama ang mga kabarkada ko, kaya lang hindi naman habambuhay pwedeng tambay lang, kanina habang naglalaro sila ng Dota eh nakaupo lang ako sa labas ng computer shop, nagyoyosi at nag-iisip… Ano na ang dapat kong gawin sa buhay ko? parang ambagal kasi ng mga papers na inaasikaso ko, naiinip na ako maghintay. Madami kasi akong plano na parang naka-hold ngayon dahil lang sa simpleng error sa Birth certificate ko. Gusto ko nang umalis, gusto ko nang magtrabaho ulit, at may gusto na akong makita…

Importante ang oras, importante rin ang panahon, importante ang mga pagkakataon… Pero palagay ko, mas importante muna sakin ang mangarap… dahil habang wala pa akong ginagawa, binubuo ko naman ang bagong plot ng buhay ko.

Mukha man akong tambay… planado naman ang buhay…. dahil sa huli, ikaw na nangangarap ang bumubuo ng mas magandang kinabukasan para sa sarili mo at hindi ang ibang tao.

Older Entries

%d bloggers like this: