Ang Blog na ito ay sinimulan ko noong ika-19 ng Pebrero taong 2008. Ito ay buong puso kong iniaalay sa aking Pamilya, Kaibigan, at mahal sa buhay!
Ang larawan kong iyan ay simbulo ng aking katabaan. Walang aangal. Papalitan ko yan pag payat na ako… Pramis!
Moving on…
Ako si Mix…
- 23 taong gulang (plus 1)
- Tubong Lucena city, nanirahan sa Maynila, at Nakikipagsapalaran sa Dubai
- Nakapagtapos ng kursong BS Tourism sa Centro Escolar University
- Nagbubulakbol noong Highschool sa Sacred Heart College Lucena City
- Dating Psychology student
- Natagpuan na sa Deira ang babaeng kanyang papakasalan sa malapit na hinaharap
- Kasintahan ni Mumu
- Nakatagpo na ng katapat
- Bokalista ng bandang Genuflect
- Manunulat, Kompositor, Kritiko
- Adik sa Walnuts
- Mahilig sa gadgets
- Adik sa internet
- Gamer hindi player
- Pala-kaibigan
- Piscean
- Witty
- Naughty pero hindi bastos
- Lahat ng T-shirt ay itim
- Palaging naka-shades
- Hindi nagsusuot ng jeans (kahit stonewash, acid wash, etc.)
- Maraming burloloy sa katawan (pero binabawasan ko na)
- Malago ang buhok ngunit mas gusto maging kalbo sa kadahilanang personal
- Hindi gimikero
- May Dalawang hikaw sa tenga
- Walang tattoo dahil nagdodonate ng dugo
- Mahilig kumain pero ayaw nang tumaba
- Mahilig sa pizza
- Sanay uminom ng mumurahing kape, nanginginig pag mamahalin
- Hindi makapag-quit sa yosi
- Naniniwala sa kaalayaan
- Nagtrabaho sa callcenter (ACS at Dell Pasay)
- Masasandalan pero hindi mauutangan
- Kadalasang makikitang makulit, nangungulit, o kinukulit
- Palaging nakakulong sa kwarto sa basement
- Mahilig magbasa
- Kayang umubos ng isang paketeng Yakult sa loob ng 1 minuto
- Mahilig sa outdoors, indoors, fundador at emperador
- Pinapasok ang ibat-ibang uri ng adventure
- Musikero
- Kumukuha ng mp3 sa internet kahit illegal
- Nakatutok sa laptop/desktop/internet 18 hours a day
- DCSE Desktop/Laptop technician
- Hindi tumitingin sa porn sites…
- … ngunit natutulala pag may lumabas bigla na pop-ups na hindi inaasahan! hahahaha!
- Mas maraming alam sa computer kaysa sa tinapos niyang kurso
- Minsan ay mainitin ang ulo pero mas madalas nakangiti
- Naluluha pag nakakakinig ng magaling kumanta
- Mahilig manggaya ng boses
- Mas gusto matulog kaysa gumimik
- Pag gumimik naman ay parang wala nang bukas
- Mahilig magluto (75% ng experiment na luto ay basurahan ang kumakain)
- Nagtuturo ng pagluluto kay Mumu para sa hinaharap (sarap ng spag!)
- Frusrated Photographer
- Baguhan sa mundo ng blogging at wala pang alam sa monetizing
- Naniniwala sa Alien, lamang lupa, engkanto, multo, duwende, unano, gravity, atbp.
- Bukas ang fourtheye, ang sense na walang sense
- Naholdap na dati, hindi na mauulit, handang mangarate kung kinakailangan
- Naniniwala sa turo ng librong “The Secret” at ilang beses na itong napatunayan
- Mahilig sa Heavy Metal, Blues, Trip-hop, Easy listening, Reggaeton, Reggae atbp.
- Pinangarap maging astronaut balang araw
- Naniniwala sa iisang diyos
- Noong bata pa ay naniniwalang nakakabuntis ang halik
- Minsang nakaranas maging handicapped
- Mahilig sa motorsiklo
- Nag-eemote sa biyahe sa bus papunta at pabalik ng probinsya
- Adik sa cheese
- Hindi mahilig sa tagalog movies
- Dating alipin ng Cable TV, ngayon ay alipin na ng internet
- Ang number 7 at 2 sa cellphone niya ay sira na dahil sa kapabayaan (at hindi sa sobrang texting)
- Isang Centurion (Lalaking taga CEU)
- Officer ng ROTC (ngunit biktima ng hazing)
- Dating YFC member, leader, brother
- Hindi paaapi at hindi mang-aapi
- Nasangkot na sa dalawang bus accidents
- Natutong gumitna at manimbang
- Lumaki sa sinturon
- Positibo ang pananaw sa buhay
- Hindi umiinom ng gin
- Hindi mahilig sa sports
- Naaaliw sa mabababaw na bagay
- Hindi makatulog pag may hindi nagawang isang bagay
- Isang buddhist monk sa kanyang past life at magiging buddhist monk sa next life
- Marunong magmaneho ngunit hindi kagalingan sa pagliko
- Hindi pahuhuli sa kalokohan
- Hindi magpapahuli ng buhay
- Pinipilit maging healthy ang lifestyle
- Ginagawang kendi ang Fitrum
- Sanay sa hirap, sanay sa sarap, sanay masanay sa mga bagay-bagay
- Hindi gumagamit ng drugs pero mukhang palaging sabog
- Allergic sa alikabok, sa negative thinker, usok (yosi exempted)
- Mahilig sa Mustard
- Hobby na ang mag tsaa
- Hindi mabubuhay ng walang Chuck Taylor
- Galit sa Backstabber! (latest hehehe!)












pareho tayo, hindi mahilig sa mga tagalog movies. at aba, singer ka pala
btw, inadd na kita sa WPP links ko.
@Iris Salamat po sa add! sana gumaling agad baby mo! cute!
mukhang makulit ka nga, hehehe… ayos, parang nakilala na talaga kita sa mga nabanggit mo. btw, galing ng boses mo. narinig ko sa imeem.
@Misyel mabuti hindi dumugo ang tenga mo sa kanta ko! hahaha! salamat po!
thank u for paying a visit to my blog. pareho pala tayong mga Piscean. At mahilig sa pizza.
@maru kay ganda ng mga larawan mo sa blog site mo… artistic ang dating…
Salamat sa… ahm, sasabihin ko sana sa pagdaan sa blog ko, pero nauna pa kitang nakita sa friendster… hehe.
nway, makulit kang magsulat, add kita sa BR ko ha.
@Lenggai na-add na rin po kita sa BR ko… hahaha! regular mo akong magiging bisita!
YFC ka din pala, AP fan ka din pala, hindi makapag-quit sa yosi ka rin pala, at marami ang iba. dami natin common denominator ah. lols
@banana, haha… at soon nasa UAE na rin ako… bka sa april… kaya isa pa yun sa madadagdag! haha! TC!
ambilis naman ng sagot. hehe.. saan ka dito sa UAE mapunta?
@B1 (ikaw si B1 Ako si B2) hehe! Sa dubai… makikipagsapalaran sa buhay… nakita ko yung mga pix sa blog mo… ang tiyaga mo mag post pero ang galing! sana dun ako work sa dubailand… mascot! hahaha!
hi! thanks dun sa welcome sa wpp!
@ifoundme, you’re welcome! (welcome nanaman haha!)
YFC ka pala bro.. ako rin dati pero ngayon handmaid na! hehehhe
kulit ng blog mo! kung san-san ako nakarating para lang makita tong blog mo!
sa wakas natuntun rin kita! at this time di na kita bibitawan.. link na kita!
@Geisha, Salamat sa pagbisita at sa pagbati! YFC ako dati, “malaki” ang katungkulan ko, pero noong namulat ako sa katotohan, tinalikuran ko ang pagiging YFC, maraming loopholes. see you around!
[...] About The Author [...]
kuya san kau sa Lucena?
tiga-dun din kami eh.. hmmm, dun kami sa may Brgy. Gulang-Gulang. tapos ung tito ko sa may Red V dati.. ^_^
teka, baka magkamag-anak tau ah.. hehehe..
sobrang dami! isa lang ang masasabi ko… MABUHAY ANG MGA FUTURE ASTRONAUT NG PILIPINAS!
ayos ah.
hehe. long-lost relative pala kita. lol
at magka-edad lang tau. halos. pero mas matanda ka sa akin ng 1 yr. hehe.
di ko tuloy alam kung tatawagin pa kitang kuya. hehe.
si mix ay metal! susie and geno-flect!
Nakatutok sa laptop/desktop/internet 18 hours a day :O Ganun po? Hindi po ba masakit sa mata yan? Waw, 1 pack ng yakult kayang ubusin. Idol!
haha. ang galing mong magsulat.
actually napadpad lang ako sa blog na to dahil sa street foods na article mo. hehe. pero nawili ako at natuwa sa mga blog mo. ang galing galing. yun lang. at baka tuluyan akong magalak. hehe. nice blog.
naaliw aq s mga blog mo. ngayon may ago na aq paglilibangan. kahit hindi kita kilala parang kilala na rin kita ( ano ba un ? ).
hey,mix…two thumbs up for you! i Was browsing the net looking for any articles about the life of filipinos in dubai, when I came across this site. Reading through all the posts, i find it very helpful and very informative at higit sa lahat nakakaaliw. I already have a visit visa but i still dont have a ticket,i’m still waiting fot it kc it was purchased there at dubai,i was scheduled to be there on october 10…kagaya ninyo mikipagsapalaran din,nakikita q sa mga blogs moh ang pagiging likas na makata moh…when i was in my elemntary grades nangarap din aqng mging makata,gumagwa ng mga kwento,tula at iba pah,pero nung ngcollege nq naging bz masyado sa studies kaya dq na nabigyang pansin,kaya natutuwa aqng makilala ang isang gaya moh na walang sawang nagsusulat d2 at nagpapaligaya ng ibng tao…ang galing galing ng mga akda moh,ipagpatuloy moh lng 2 bro!alam q madami kpng mapapahanga dahil sa talento moh,kakaiba k talaga…anoh nga pala friendster add acct.moh?anyway marinduqueña nga pala aq,parehas tayong tagalog kaya for sure mgkakasundo tau…hehe
kip up the good works!kip on praying!
kip the faith in you!
kip on making evryone smile!
kip on writing and making blogs!
godspeed!
enjoy life while ur young….
padaan lang po!
hi,napadaan lang, lumabas kasi ung manila boy entry mo sa possible related post sa entry ko..hehe!
at taga lucena ka rin pala, at nakita ko rin si karmi dito,hehe!
Bro, may email ka ba? marami kase akong itatanong about Dubai? tnx pal!
ei cute mga kwento d2….. talking about batibot, cedie, ang olikikiya olikuku ng Von trap family singers..reminiscin things like that
nakakatuwa..mmm pareho kayo ng kuya ko..mahilig magreminsce ..iba talaga noon..enjoy ang buhay ng mga bata..simple pero masaya! marami ka pang matututunan..pati sa pag-lalaro sa labas(sa damuhan kahit makati talahib, cge huli pa rin ng tutubi hanggang makarami) God bless sa blog mo!
sa dubey ka pala… san ka sa dubey?
hmmm at tinalikuran mo na pala ang ministry?
SFC ako weh.. hehehe
at bakit ko nasabi yun? wala lang…
nyapi nyu nyir nga pala….
yun lang..
babye! hahaha
napadaan lang po ako sa pooksapot na to. ngunit napahanga ako sa mga nakasulat dito! galing ah. taga SHC ka pala? hehe.
kudos! keep it up!