Hindi ito madrama, hindi seryoso, hindi kontrobersyal… Hindi ako sikat, tantanan mo ako! Hahaha!
Muntik ng mawala ang aking blog, kung bakit? tunghayan…
Nitong nakaraang Sabado at nasa “mood” akong magsulat, sabik at parang isang bombang sasabog dahil sa mga ideya at kalokohang naglalaro sa aking isipan. Ang laptop kong walang pahinga at naghihingalo na ang naging sandata ko para sa aking bagong limbag. Nagsimula akong magsulat na para bang isa na akong sinapian ng maligno. Walang humpay… sabik na sabik magsulat dahil hitik na hitik sa inspirasyon…
Ngunit…
Pag pindot sa mahiwagang “Publish button”, isang babala ang tumambad sa aking dashboard…
Hindi ako makakapag-publish ng aking limbag dahil ang aking blog daw ay naireport as “Offensive”
Anak ng Tupa! Offensive?
Agad akong sumulat sa support team ng WordPress, kailangan ko ng eksplanasyon. Kailangan ko ng sagot. At sa loob ng 30 minuto, nalutas ang aking problema. Nagpadala ang WordPress support team ng isang elektonikang liham na nagpapaliwanag ng sitwasyon. Kailangan daw muna nila i-review ang aking blog para sa mga “Offensive” na limbag. Ang mabuting balita naman ay wala daw silang nakitang “Offensive” sa aking pitak kaya humihingi sila ng paumanhin sa naidulot nitong abala sakin. Hindi ko kailangan ng kanilang paumanhin, hindi naman kasi ako nagalit sa nangyari, Ang blog na ito ay ekstensyon ng aking utak, pero hindi kakabit ng aking buhay. Kung mawala man ang blog kong ito at maipasara, ma-hack, ma-crack, masira, mawala…
Wala akong pakialam…
Nakasave sa aking drafts ang naisulat ko. Ngunit ito ay agad kong binura. Tama na muna ang kalokohan.
Ang back-up ko ay ang aking utak, ang sandata ko ay ang aking laptop, ang sandigan ko ay ang aking mga taga-basa, ang matalas kong dila ay hindi mapipigil ng isang report o isang pagtatangka na puksain ang maliit kong pitak. Ang lahat ng nilalaman nito ay galing sakin, ang lahat ng isusulat ko pa sa pitak kong ito ay sakin pa din manggagaling.
Ipagpalagay na nating “nabura” ang pitak kong ito, para lang akong kabute na tutubong muli, parang amag sa tinapay na hindi mo nakikita pero naamoy mo, parang anino… hindi mo matatakbuhan. Hindi ko makuha ang logic kung bakit irereport as “Offensive” Kailan pa naging offensive ang mag post ng kalokohan, magpost ng larawan ng halaman? ng lumang bisikleta? ng kantahan sa fiesta? ng despedida? ng leukemia? ng pagkain? ng… ay… baka naman may naisulat ako na natamaan ka… hahahaha! at bwahahahahaha! Hindi ako nagbibitaw ng pangalan… hindi ko ugali yun.
Hindi ako kagaya ng ibang tao na halos sa cyberspace na nabubuhay. Maaring palagi akong online, pero alam ko ang hangganan ng cyberspace at ng “Tunay” na mundo. Ito ay isang libangan… isang outlet na minsan ay barado… hehe!
Sa kasamaang palad, ang blog ng aking kasintahan ang inatake… burado ang http://gelibins.wordpress.com siya ang nabiktima, siya ang pinuntirya ng isang taong wala namang bayag. Na-crack ang password ng blog niya at tuluyang binura sa cyberspace ang kanyang blog.
Nalungkot ba si Geli?
Hindi… pinagtawanan lang namin ang “eggless” na taong gumawa nun sa kanya.
At ang pagkawala pa ng kanyang blog ang dahilan upang lalo kaming magkalapit. Naging tambayan namin ang isang website na hindi ko na muna papangalanan ngayon hanggat hindi namin natatapos.
Pinilit kong maibalik ang kanyang mga nakaraang post sa tulong ni Bluepanjeet na hindi nagdalawang isip na tulungan ako nang ako ay humingi ng pabor. May bago rin siyang artikulo kung paano maaalagaan ang blog lalo na kung self hosted. [Read Bluepanjeet's post here]
Matatag ang aking kasintahan, wala pang 1 oras ay napawi na sa isip niya na ang kanyang blog na inaalagaan ay habambuhay nang wala. Hindi pa siya gumon ng internet at cyberspace. Totoong tao pa siya…
You can try to shut us down… good luck in trying! Madali lang gumawa ng bago… para ka lang bumili ng tinapa sa kanto at ibinalot sa dyaryo.
Haha! Seryoso talaga akong tao, pero hindi kita papatulan. Naaawa ako sayo. Wala kang kaibigan. Ang totoong mundo mo ay ang “intangible” na internet. Kapit lang “pards” kasi kilala ka namin… Hindi ko sasabihin ang pangalan mo… pero wag mong papainitin ang ulo ko. Maaring makuha mo ang blog kong ito, makontrol mo at maangkin na parang “SAYO” talaga ito. Ngunit ang paraan ng aking pagsusulat at paggamit ng mga salita ay hindi mo magagaya. Ang utak natin ay magkaiba… Walang kapayapaan ang utak mo… ako naman ay may “sayad”. Mata mo lang ang walang latay pag nagkita tayo paguwi ko sa lupang sinilangan… mata mo lang…
“Mata mo lang ang walang latay” isang joke dahil hindi ako bayolenteng tao. Hindi ko yan magagawa, tinatakot lang kita. Hahaha! hindi ko naman hahayaan na mata mo lang ang walang latay, kasi hindi naman ako tanga para “buhayin” pa kita.
Hithit… buga… hithit… buga… yosi muna pampakalma…
Tinutubuan nanaman ako ng sungay… pero…
Sa panahon ngayon na sobrang saya ko sa career ko, personal na buhay at lovelife ko, walang puwang ang pagkakaroon ng masamang bahid sa aking bagong silang na pagkatao. Iba na ang pananaw ko.
Hindi talaga kita papatulan… wag mo akong pilitin. Kasi pag pinilit mo ako… larawan mo ang lalabas sa header ko! LOL! hahaha!
I’m moving on and growing…
It’s all because of her
hithit hooray! hithit hooray!
Paalam na sana pero malas ka… Hindi blog ang dapat mong sirain/puksain para mabaliw ako… hahaha!
“Ang impyerno ay nasa lupa, Ang langit ay nasa puso. Walang ibang demonyo kundi sarili mong anino.” -mixglorioso












Whoa this post is shockin
uminom lang ako eh nagapoy na pwetty mo by
Tanda mo yung dating comment ko….
Isa lang ang dapat sa mga taong ganyan DEDMAHIN
My Blog has never been an issue for me to frown. You can hack every blog that I’m gonna make. I don’t care. You wont get to my level
ONE SPECIAL THING:
MICO IS MINE AND IM ONLY HIS’
Capishto????
Cheers!
ano itong hack hack ha? quote for the day ko na ata ang ACHUCHUCHUCHU sa mga kalokohan ng tao. hehehe…. isang bagay lang ang masasabi ko: kung may kukunin sayo, may ipapalit din dyan. ganyan lang kadali ang buhay…
ang pagbablog ay isang bahagi lang ng buhay. minsan nga binabalewala pa natin kasi puro salita lang naman ang laman nito… mga salitang nagdedescribe ng anong nararamdaman natin at kung ano ang mga iniisip natin. pero kahit puro salita lang ang mga ito, ito lang din ang isang bagay sa buhay natin na pwede isulat muli pag ito ay nabura. kaya hala! bura! bura! bura! ayaw mo nyan? mas lalo kang gumagaling sa pagsulat? bwahahaha!
alam mo, pag ang isang tao ay joyous, hindi sya kayang patumbahin ng isang setback na kagaya nito. magpakasaya kayo ni geli, mix, kasi mabura man ang mga blogs ninyo, lalong mawindang ang taong yan pag wala na syang ni kahit anino ninyo na makita.
happiness robbers are meant to go to hell…. kasama ni kamatayan, of course.
“Ang impyerno ay nasa lupa, Ang langit ay nasa puso. Walang ibang demonyo kundi sarili mong anino.” –> ang galing nito master mix!
ako rin naranasan ko rin ma- hacked ang other account including friendster (3-4 times). pag una medyo masaya pa eh kasi pagkakaabalahan ka ba naman pero pag naulit na ang sarap ipakulam ang gumawa nun. masakit lang kasi burado lahat.kaya minsan parang draft entries na lang ang ginagawa ko sa wordpress kaya ayan di pa nasasabotahe.
masakit kasi lalo na pag personal site na at yung mga yun pinaghirapan ko talaga…ginamitan ko ng konting brain, katakot takot na logical aspect blah blah blah….
i pray na nasa they will live forever….
ay, bakit may ganitong exena? sino ba yang walang magawa sa buhay na yan? bakit ba hindi sya mabuhay ng normal at masaya? nakakainis ha! grrrr…
anyway, poor him…her? errr, sige, poor “it” na lang. another unhappy person with an unhappy “eggless” life…hehehehehe…
sana makahanap din sya ng geli beans nya para bumait na sya…
hahaha pare ibigay mo sa akin sa ym ang identity at blog ng taong yan, at ihahack natin dali hahaha
let us give him a taste of his own medicine. madami kami sa stalking and hacking 101. kung ang america ay may FBI at secret police, ang blogosphere naman ay may stalking at hacking 101 hahaha.
baka magulat sya pag bigla na lang iraid ang bahay nya isang araw ng NBI hahaha o kung nasa tate man sya o abroad– HELLO FBI LOL
bilis at sarap pataubin ng mga taong ingitero… mas masarap asarain yan. If I were you mag self hosted na lang kayo, wala na magagawa yang si kumag pag nagself hosted na kayo. pwede nyo pa iban sa website nyo haha
Mix! ano balita..? mukang may nang-iistorbo ng kapayapaan mo a…? oo nga pala bago ang lahat pasensya kana sa tagal ng hindi ko nababasa ang blog mo.. kahit madalas na makikita moko na naka-online sa YM e wala lang yun dahil.. madalas hindi kona din nahahawakan ng madalas ang laptop ko.. pinababayaan ko lang syang bukas, just incase na may mag-message sakin sa YM o may mag E-mail sakin.. malapit nadin kasing matapos ang summer dito ilang linggo nalang at taglamig na.. at maraming paghahanda na namang nagaganap kaya madalas din hindi na updated ang blog ko.. dagdagan pa ng personal kong problema lalo lang nawala sa linya.. kaya paumanhin pare, pipilitin kong bisitahin ang blog mo kahit matutulog na lang ako hehehehe…
o sya mabalik tyo jan sa nang-iistorbo na yan.. para syo kaibigan.. kung sino ka man.. e wag mong pipilitin si pareng Mix o wag na wag mong sasagarin ang pasensya nya… si Mix ay isang mapgkakatiwalaang tao sa buhay isang tunay na kaibigan at ipagtatanggol ka nya whatever it takes!
kaya ang payo ko syo… wag na wag mong gagambalain ang mga taong hindi ka inaabala at dahil ang mga taong hindi ka pinapatulan jan ka matakot dahil kaya nilang gumanti sa paraang hindi mo inaasahan.. “Mix pag-uwi ko ng pinas kung andun kana turo mo sakin at ako na ang magdadala sa kanya sa pinto ng kadiliman.. bwahahahahahahaha”
ay nakakagising ang huli mo iniwang kataga… tama ka dyan! wala kayang umangkin ng iyong obra, mabura man nila o ano pa man pero nag iisa ka , ikaw lang ang makakasulat ng ganito kagaling na obra dahil puso mo ang nag didikta ng bawat salita na itutulpok mo sa iyong keyboard, imahinasyon mo ang gumagana, utak mo na nag iisa, damdadamin mo na nakakadama , hindi nya kayang kuhain sa’yo yun. hindi nya utak ang utak mo, hindi nya puso ang puso mo, hindi nya alam kung ano ang laman ng isip at kung ano ang nadadama mo. .. humanga ako sa’yo bilang isang manunulat, sa bawat artikulo mo alam ko na lahat ng ito ay galing sa malikot mo na isip at mula sa iyong puso. keep it up!
Ang bad naman ng taong gumawa noon sa inyo ni gf. Bakit ba kasi nangyayari yan? Kung inggit sila sa blog ninyo eh mag blog na lang din sila di ba? Everybody happy pa!
Tama yung suggestion ni BluePanjeet, yun ang isa sa talagang advantage ng hosted sites, hay kung bakit kasi naman maraming inggitero sa mundo!
Anyway, pag nalaman nyo na kung sino yan, iharap mo sa akin at dadaganan ko yan! Goodluck sa buhay nya afterwards hehehe!