[Inosente] Munting Tibok

6 08 2008
Lumang Bisikletang Naghahatid Ng Mga Alaala

Lumang Bisikletang Naghahatid Ng Mga Alaala

Sa kasamaang palad ay nasira ang aking laptop kagaya ng may-ari naisin ko mang magsulat ay masakit na rin palagi ang mata ko pagkagaling sa opisina. Sisimulan ko ang pagbabalik ko sa aking pitak sa pamamagitan ng isang maikling kwento ng pag-ibig. Noong minsan kasi ay mayroon akong napanaginipan…

Naglalakad si Mico ng makita niya ang isang maputing babae na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang anghel na bumihag sa kanyang puso. Mahiyain si Mico, tahimik at hindi pala-kwento, wala siyang masyadong kaibigan kundi si Marc. Lumipas ang mga araw at nabigyan si Mico ng pagkakataong makadaupang-palad si Rikka Mae sa pamamagitan ni Marc na una niyang nakilala, matinik kasi si Marc sa mga kababaihan hindi katulad ni Mico na parang isang “amag” lang sa tagiliran ng tinapay…

Hindi matanggal ni Mico sa kanyang isipan si Rikka Mae, araw-araw ay nag-iiwan siya ng “post-it” notes sa upuan ni Rikka Mae, minsan ay sinasamahan niya ito ng pinitas na gumamela o sampagita mula sa halamanan. Nauupod ang kulay pulang Crayola sa kakadrowing ng puso at kakasulat ng “I Love You…”

Hindi naglaon ay halos mabaliw na si Mico kakaisip kay Rikka hanggang sa pati sa likod ng kanyang kwaderno ay palagi niyang isinusulat ang pangalan ng babaeng kanyang kinahuhumalingan.

Isang araw, nakinig ni Mico na papunta sa parke si Rikka, at dahil siya ay mahiyain pinili na lang niyang sundan si Rikka doon habang nagtatago sa madamong parte ng parke. Laking gulat niya ng makita niya si Rikka na kasamang “NAGLALARO” si Joaquin, isang mayamang anak ng doktor. Nadurog ang puso ni Mico. Gumuho ang kanyang mga pangarap na parang isang kastilyong buhangin sa dalampasigan ng mga sawi. Pag-uwi sa bahay, nakatulog siya habang umiiyak, hindi niya matanggap na ang babaeng kanyang minamahal ay may mahal palang iba. Ang babaeng nais niyang mapangasawa at makasama sa pagbuo ng pamilya ay may ibang kasama… Bigo si Mico sa pag-ibig…

Ako si Mico. Yan ang palayaw ko.

At nangyari yan lahat noong ako ay 8 years old pa lamang. Musmos pa lang, wala pang alam. Grade 2-Gentleness sa Sacred Heart College sa Lucena city.

Napanaginipan ko si Rikka Mae nuong isang araw. Ang weird lang sa aking panaginip ay bata pa rin si Rikka sa aking panaginip. Ang sagwa naman kung magka-crush pa rin ako sa bata niyang anyo, Pidopilya ang tawag doon. Tsk tsk… Hindi ko rin alam kung nasan na siya ngayon. Pero Siguro naman ay nasa maayos siyang kalagayan.

Ang huling nabalitaan ko naman kay Joaquin ay kakalabas lang niya ng Rehab dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bukod doon, wala na akong alam.

Nakakatuwang isipin na ang pagmamahal ng isang bata ay “puro” at walang halong malisya, walang nasa isipan na bastos, walang pagtatalik na naiisip, at walang kamunduhang ginagawa. Sa murang edad na 8 namulat ako sa hapdi ng pag-ibig, kahit na wala akong alam sa ganyang bagay noong mga panahon na iyon.

Sa halip na maglaro ay gumagawa ako ng maliliit na “sweet notes” na kung ituring ko noong mga panahong iyon ay isang “obra maestra” na ginawa galing sa puso. Free lang ang sticky notes mula sa lata ng Nido na iniinom ko tuwing gabi bago matulog, umiinom din ako ng “bearbrand” at “birch tree” ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa murang edad ko ay kape ang iniinom ko bago pumasok ng eskwela. Hindi ko alam pero siguro mahal pa noon ang Milo, Ovaltine at Klim.

Ang munting aral sa maikli kong kwento?

Iba ang crush, puppy love, at infatuation sa totoong pagmamahal.

Ang totoong pagmamahal ay walang hinihiling na kapalit. Kahit pa ang ganti nito ay ang pait at saklap na dulot ng kabiguan. Ang magmahal ng may hinihinging kapalit ay hindi pagmamahal. Ang tawag diyan ay “paninigurado…” at ang pakiramdam niyan ay hindi masarap… pramis.

Kasama na sa relationships ang tinatawag na “emotional investment” yan ang investment na kahit matalo ka ay hindi mo mararamdaman na para kang “naluging bakla” dahil ang umibig ng walang hinihiling na kapalit ang pinaka “banal” na pag-ibig para sa akin… pero siempre sana naman mag-kusa na magkiss or mag beso diba? para naman may pa consuelo de bobo! hahahaha!


Actions

Information

5 responses

7 08 2008
pot

npkagaling na kwento. isang obra maestra ng nakaraan.
bakit nga ba hindi na lng parati tumatak sa ating mga puso at isipan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig…

7 08 2008
ifoundme

hehehe! gawain ko rin yan dati ang magsulat paulit ulit sa notebook ng name ng crush ko.. hindi lang yun. sa kakasulat ko ng paulit ulit ng name ni DINO (heheh! yan ang name ng crush ko), may nadiscover kami ng best friend ko. hindi ko alam kung naabutan mo yung sterling notebook na medyo transparent ang cover. yun ang naging cheating gear namin nun.. heheheh! oo, nagchecheat din ako nung high school.

yung tungkol naman sa pag-ibig, wala akong kaalam alam dyan. ang alam ko lang meron akong crush… si papa piolo at si john lloyd!

7 08 2008
marcpogi

Yata! mali spelling mo mix math-tinik yun, hahaha joke.

ako nga mahiyain nun ni CR hindi ko alam, kaya lage mo ko sinasamahan, (tinuturo mo pa nga lage sakin CR nang babae. hhihihih) hanggang sa mainis ka na sakin nun dahil lagi kita kinukulit na pumunta sa banyo pag naiiihi ako.

iba talaga ang hagupit ng pag-ibig parang bagyo,
kaya naman todo maghinagpis ang taong sinalanta nito,
ngunit sa bandang huli andiyan ang bahag-hari
nagpapaalala na may pag-asa pang naghihintay satin
at sa mga susunod na pag-ibig,
kahit nogar ang kanyang brief. :lol:

7 08 2008
pol0106

walang saysay ang pag ibig. . .itoy kathang isip lamang. . .di ako naniniwala sa tunay na pag ibig. . wala wala wala!!!! wala na kong pag ibig!! akoy isang bato na sinementuhan at binakalan. . pero kung may titibag man isa lang ang makakakiba nun. . . c. . . .ah . . .wala. . .wala. . .wala!! panget ang pag ibig akoy nasusuka!!huhuhuhu. . . tama na pag ibig na yan!!

7 08 2008
winkii

wowness naman.
perslab mo bayan?
malamang! hehe.
napadaan lang. :)

Leave a comment