[contributor: ifoundme] kabit part 1

1 08 2008

wala lang. gusto ko lang magmonologue tungkol sa mga kabit. hindi ko alam kung bakit yan kaagad ang naisipan ko pagkaharap ko ng computer. kasi naman ang aking future monster in law nag online. bigla kong naalala si cathy. sino si cathy? sya ang isa sa mga salot ng lipunan. hehehe! joke! naghahanap lang siguro sya ng magmamahal sa kanya at takot na baka tumandang dalaga.

ang hirap magsalita tungkol sa mga ganito kasi alam kong may tatamaan na mga tao. kung ikaw man yun, hindi ko sinasadya na saktan ka sa entry na to. gusto ko lang kasi ilabas din ang matagal ko ng tinatagong emosyon at pananaw tungkol dyan. panahon na rin na pakawalan ko na si cathy kasi kahit tinotorture ko sya sa utak ko, ako lang naman ang nakakafeel ng torture na yun. parang nilason ko lang ang sarili ko kahit na sya ang gusto kong lasunin.

so sino si cathy? sya ang kabit, the other woman, salot sa relationship namin. hindi pa ako kasal pero minsan, sa halos sampung taon namin na magkarelasyon ni boypren, eh nagawa ni bi-ep lumiko sa kaliwa. nagawa nyang dagdagan ako sa buhay nya. anyway, si cathy ay kilalang kilala sa kanila na nang-aagaw daw ng boypren ng may boypren. mahilig sumuot ng mga seksi na damit, malakas magmake up, mahilig magpatweetums, mahilig din saktan ang mga nagiging boypren. hindi nya kayang gumalaw ng walang kasama o walang nadadamay na tao. kung makapalit ng boypren eh parang nagpapalit ng damit. sa lahat ng mga kaibigan ni boypren, surprisingly, sya lang ang hindi naharap sakin. hindi ko rin maintindihan kung bakit. at tsaka pala, lahat ng sinabi ko sa taas puro report lang sakin.

syempre nung una awang awa ako sa sarili ko. naisipan kong okay lang na ganun pero hindi rin pala kaya ng sikmura ko. nagdesisyon akong alisin na lang ang sarili ko sa magulong daigdig ng kaengotan nila.

alam na alam ni cathy na girlpren ako ng dati nyang crush nung high school pa sila. malayo kami sa isa’t isa ni boypren kaya nung nagkasakit si boypren, nagtake advantage si cathy sa sobrang kahinaan ni boypren. yes, mahina ang mga lalake. hwag ng umangal. simula nun parati na silang magkasama. nagfall na si cathy sa kanya to the point na nagtatawagan silang babe. nakita ko yung text eh. yung nakatagong sim nahanap ko. parati nyang pinupuntahan si boypren sa condo ni boypren, dinadalhan ng pagkain, binilhan ng lecheng bag sa surplus, sinasamahan magdinner bago pumasok sa work si boypren. nagawa pa nga syang bilhan ni boypren ng mga damit sa MANGO samantalang ako dati masayang masaya na pagnagshoshopping kami sa divisioria. all those times, aware na aware si cathy na kami pa ni boypren. naisipan pa nga nyang kausapin daw ako kasi naman napakaimposibleng ispelingin tong boypren ko. itatanong lang daw nya sakin kung pano ihandle si boypren. kung di ba naman timang yang babaeng yan…. hindi na nagkaron ng respeto sa sarili…

pano ko sila nahuli kahit malayong malayo ako? naghire ako ng private investigator, NBI, CIA, FBI, AFP,RAM, NPA, CPP, ABB,MILF, abu sayyaf… kulang na lang isama ko ang al queda para kompleto sila at ng makita ko lahat ng anggulo ng sitwasyon! di ba sabi nila sisingaw talaga ang bahong tinatago? ganun ang nangyari. nakaupo lang ako dito sa mumunting table ko sa opisina nang yung balita mismo ang lumapit sakin. hindi ko hiningi. kusang binigay. kung paano, isasarili ko na lang kasi baka mabuko ang paraan.

itutuloy ko bukas… kakain muna ako kasi hindi pa ako nag aalmusal….


Actions

Information

12 responses

1 08 2008
GeLi

nagdesisyon akong alisin na lang ang sarili ko sa magulong daigdig ng kaengotan nila.

*** i like this part…haha well constructed…KA-ENGOTAN :D haha! parang kagabi lang yan ang discussion namen ni dot dot dot…anyway not related here :D

regarding kay cathy…wag mo na patulan…hindi sya para bigyan ng panahon…sayang lang…

about the sa pagiging “kabit” hindi ako nakakarelate pero may mga kilala akong nagkkwento na sakin ng ganyang story.. meron kumabit at kinabitan :D masasabi ko lang hindi lahat may masamang intensyon…yung iba pagmamahal lang talaga ang hangad :) oha lalim!

nice entry…apir!

1 08 2008
mixglorioso

Pa-comment ha…

Hindi ko makakalimutan na tinawag mo akong “TANGA” grrr…

Darating ang araw mo Geli… BWAHAHAHAHA!

1 08 2008
Amorgatory

hahah , kathy yan na ang 10 folds karma, haha!nways murat i just love your story, sinali mo pa ung MANGA ha, lol, but anyways may kanya kanya tayong reasons so kung anu man yang reasons nya, sana d nlang sya nagpahalata wahahahha

1 08 2008
GeLi

amp :| di ko na nga sinabi name mo binulgar mo pa..adik ka talagang kalbo ka :P

araw ko?? cge aantayin ko yan…wag mo lang ako bibiglain ha :D

Akismet!!! Pakiss! :) )

2 08 2008
Mumu sa Kanto

BRB. =)) =)) …. =))

3 08 2008
kamotenista

“panahon na rin na pakawalan ko na si cathy kasi kahit tinotorture ko sya sa utak ko, ako lang naman ang nakakafeel ng torture na yun. parang nilason ko lang ang sarili ko kahit na sya ang gusto kong lasunin.”

ang galing galing ng linya na ‘to…wahaha
pa-kiss nga sis…wahaha

“pano ko sila nahuli kahit malayong malayo ako? naghire ako ng private investigator, NBI, CIA, FBI, AFP,RAM, NPA, CPP, ABB,MILF, abu sayyaf…”

kumpleto ang tropa….isama mo na rin ang akyat-bahay,sunog-bahay o di kaya sunog baga…wahaha

3 08 2008
revelation « Ifoundme’s Weblog

[...] are part 1, part 2 and part 3 of the whole [...]

4 08 2008
BADoy

pero aminin mo masarap at exiting maging kabit.. pero di pa naman ako nagiging kabit… ayus sa entry ang! magkabitan tayo!

[mixglorioso] Hindi lahat ng bagay ay biro… tsk tsk tsk…

4 08 2008
naglalambingnacute

aaaaaaaawwww…. haayyy… parang akong tinatarakan ng kutsilyo sa dibdib… at saka galit din ako sa mga cathy.. kasi yan ang nagwasak sa family ko… haiizzz at haiizzz pa uli… :(

4 08 2008
GEisha

kaloka ang kumare ko mix! hindi pa sya galit nyan! :D

5 08 2008
ifoundme

@ geli – kaengotan naman talaga yan eh. ang napakatahimik na buhay gagawing magulo… hindi ba kaengotan yan? kahit pang sabihin na may rason ang kada decision na pinili, may nasasaktan naman. so ano ang maganda sa pag-agaw? selfishness yun. tsaka takot lang ni cathy sakin… hindi nya alam kung ano ang kakayahan ko at surprisingly yan din ang aking nadiscover sa sarili ko. kaya ako, pinagpepray ko na lang sya para hindi naman ako matulak gumawa ng masama kahit pa nasaktan ako.

@ mix – blog mo to kaya… magcomment ka ng gusto mong icomment.. hehehehe!

@ amorgatory – hehehe! baka hindi nila alam na ang MANGO, pagbinasa mo ng filipino style, ay BOBO sa dialect natin. i’m finally free, murat. you know how much i suffered of that incident. thank you for always being there… for listening inspite na paulit ulit naman ang mga sinasabi ko. alam ko na pagnagkataon makaharap natin si cathy, feeling ko ang unang reaction natin ay tatawa at kakanta na lang… CHEERS!!! that’s for friendship, love and life…

@ mumu – balik ka kaagad ha? hehehe!

@ kamotenista – honga… nakalimutan kong isama ka… malamang first info kuha ko kaagad pero habang binibigay mo sakin ang info, sabog na ang lugar kung nasan si cathy o di kaya nakatali na patiwarik. hahahahaha!

@ badoy – hmmmm…. tagalog naman ang pagkasulat ko at…. hmmm… nagbasa ka ba? mukhang hindi mo naintindihan ang sinulat ko. gusto mo itranslate ko sa ilonggo, cebuano, chinese at spanish? pasensya ka na pero may respeto pa ako sa sarili ko at binibigyan ko pa naman ng halaga ang sarili ko. please don’t compare my worth to any kind of actions done by animals only.. hindi lang siguro katanggap tanggap yang idea na yan lalo pa’t ako ay biktima nyan. hindi siguro nangyari sayo ito kaya medyo nasisiyahan ka pa. i hope it won’t happen to you. tsk!

@ naglalambingcute – sana okay pa rin pamilya mo despite of what happened (kahit di ko alam ang buong kwento ng nangyari sa inyo.) i don’t wish this to happen to anyone kasi masakit.

@ geisha – mare, masarap ang margarita… hehehe! at least i celebrated kasi kahit papano triumphant ako.

22 09 2008
skyrain

Hay naku,Cathy din ang pangalan ng nangagaw sa asawa ko at sumira sa pamilya namin,Catherine Jimenez ang buong name nya at tga Cubao,Q,C.Nagpabbtis pa sya sa asawa ko at hanggang ngayon ay magkasama pa din silan dalawa.Isinusumpa ko silag dalawa na hindi sila magiging masaya sa kanilang bhay at maghihirap sila khit na anong trabaho pa ang gawin nila.at lahatng pinaranas nila sa akin na hirap at sakit ng loob aydobleng dadanasin nila habang buhay nilang dalawa.Maghirap sanasila ng todo todo hanggang gumapag na sila sa lupa.Hindi sila bibiyayaan ng Diyos dahil grabe ang pahirap nila sa akin at mga salitang tinanggap ko sa kabit nang asawa ko at ang mga panloloko nila sa akin kasama na ang pamilya ng asawa ko na inayunan pa ang relasyon nila at pagabandona sa amin ng anak ko.Napakabuti ng Diyos at iniayos nman nya ang lhatsa amin ng anak ko at okay lang kami kahit iniwan pa kami ng tatay nya.

Leave a comment