Mga tulang sariling likha (pt.3)

27 05 2008

“Tibok”

Sa bawat landas na aking tinahak
Binibilang ang hakbang at mga yapak
Nagdarasal na sana aking makamtan
Kaligayahang aking inaasam-asam

Bawat tibok ng puso’y aking sinundan
Kahit hindi alam ang kahihinatnan
Parang bulag na nasa kadiliman
Kaunting sulyap ay pinagkaitan

Ngunit sa dulo ay mayrong liwanag
At ang pag-asa ay maaaninag
Walang pagsubok na ‘di malalampasan
Dahil puso ang sinunod makita ka lamang


Actions

Information

4 responses

27 05 2008
bluep

paano ba yan, wla na dyan tsk tsk…

ng sakit nun ano? sinundan mo pa sya pero umalis pala ang bruha ng malaman nya na pupunta ka (tama ba ako ayun sa kweno mo?)…

Pag nagkita kayo in the near future, duraan mo!!………………
para dumulas. haha joke lang.

*Ano ba bluep, emo si mix.. wag kang KJ…

sige na nga…

seriously, it all boils down to time. Time is your ally. pag walang time, walang destiny. meron nga dyan 30 years na di nagkikita eh tapos nung magkita, rent agad sa mercado ng ventilated. ayun sila na hahahahahahaha

wag mo kaisipin. mahal ka rin nun. ayaw lang nya ipaalam.

29 05 2008
ifoundme

kung totoo man ang sinasabi ni kuya bluep, ah eh…. basta know your worth.

30 05 2008
karmi

*hugs* kuya.

emomode ka po ah… hmmm, sabi nga nila ‘everything happens for a reason’…

3 06 2009
stephanie

uy ..ganda ng ginawa moh wala n bang iba??tuch kc aku ehhh!!:)…tsk.tzk

Leave a comment