Ano ang Al-Pakne?

26 05 2008

Ang “Al-Pakne” ay hindi isang tindahan ng arabo, hindi ito bilihan ng carpet at mas lalong pugad ng prostitusyon. Ang Al-Pakne ang computer shop na tambayan ko sa Lucena. Noong hindi pa ako nakakaalis ay palagi akong tumatambay dito, hindi ako naglalaro, tumatambay lang, parang sekyu na nagpupuyat habang nakaupo.

Ang Al-Pakne Computer shop na ang pinaka madalas puntahan ng barkada namin. Pag solo ka kasi at wala kang makasama, pumunta ka lang sa Al-Pakne at tiyak na may kaibigan kang matatagpuan doon. Pangalawang bahay ika nga.

Si Allan ang may “ari” (hahaha) ng Al-Pakne, nakilala namin siya dahil ang barkada namin ang “naka-devirginize” sa kanyang shop. Kami ang mga naunang customer at mga naging parokyano.

Nasa Dubai din si Allan, nauna lang siya sakin ng dalawang linggo. Nagkita na muli kami nitong isang araw lang sa Satwa. Siempre kumakanta ako sa isip ko ng “Its a small world after all…” pumunta kami sa mga kaibigan niyang Lucbanin (taga-Lucban Quezon) at kami (kasama ko si Peach) ay pinakilala sa ating mga kababayan dito.

Dahil feeling namin ay turista kami, nagpasya kaming magkodakan sa isang tabi. Yan si Allan, siya ang Willie Revillame ng Quezon Province. Talaga namang mapapa-wowowee ka sa kanyang kagwapuhan! hahaha! Hindi namin kasama si Peach Dahil siya ang kumodak sa amin. Nasa likod namin ang tallest Building sa buong mundo, and Burj Dubai.

Matapos naming pumunta sa flat ng mga taga-Lucban, sinamahan namin si allan na maghanap ng “tocino” at “tender juicy” na talaga namang napaka-makatas! Sa isang 24 hour grocery store kami nakatagpo ng mailap na hotdog.

Matapos ang pagbili niya ng naglalakihang hotdog, Inilibre niya kami ni Peach ng shawarma. Wow libre! game ako diyan! hahaha!

Masarap siya sa halagang 3 Dirhams (P33.00) at malasa. Hindi ko lang alam kung ang naaamoy ko bang sibuyas ay yung nasa shawarma o yung bumbay na kahero. hahaha!


Actions

Information

9 responses to “Ano ang Al-Pakne?”

26 05 2008
ifoundme (13:24:09) :

nang iinggit! gusto ko pa naman yang shawarma na yan..

26 05 2008
Lyzius (13:47:10) :

ahahaha..sa Lals yung binilhan nyo ng tocino ah…yung pichur nyo ni allan malapit sa me qadri mosque yun di ba?

26 05 2008
emoboyblue (14:46:35) :

Iba kayo ni allan.. Ang hot niyo!! napapa UHUMMMMM nlng ako.. :-)

26 05 2008
lalaine (19:12:26) :

napadaan lang po.. galing kay rio…

parang biglang gusto na din ng shawarma ;))

26 05 2008
GEisha (22:11:01) :

its a small world after all! :lol:

bka magkita din tayo jan sa panaginip ko ;;hehehhe

27 05 2008
bluep (08:17:56) :

pards sabi ko naman kasi sayo bagay kayo ni peach eh LOL Uyyyyy May Gushtu! LOL

27 05 2008
pol0106 (15:00:38) :

sarap naman ng buhay mo pare. . ang hot nyo ni allan!! at ang hot talaga jan!! hehe. .umuwi ka na walang saysay ang barkada pag wala ka!! bagay kayo ni peach!! parang mag ina lang!! hehehe. . joke!! padala ka na kagad ng pasalubong!! shawarmang nakaka adik jan!!hehe

28 05 2008
peach07 (03:01:21) :

basta ang masasabi ko lang, ok lang kahit maging ina ni mix. kaya ko naman siya buhayin…echos!!!

29 05 2008
Bri (21:24:06) :

mix! muzta na? ok ba jan sa dubai..? baka mahiyang ka jan ha hindi kana umuwi hehehehe ganyan din ako noong una alang ka-homesick-homesick pero sa kalaunan nagkakaroon na kasi madami kang namimis gawin hehe.. na-mimis kona nga yung pagkokompiyuter kila kuya jun hahaha..

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>