Unang araw ko sa Dubai, gabi ako dumating kaya wala akong masyadong makita kungdi ang ilaw sa mga gusaling nasa paligid. Hindi ko pa nararamdaman ang pagiging homesick siguro dahil na rin kasama ko si peach palagi. Madaming Pinoy dito, kaya hindi ko na sila binilang. Sinamahan ako ni Peach sa isang malaking 24 grocery store para bumili ng mga “kulang” ko na gamit dahil over baggage ako. Sa soap department ako ay natawa… C.Y. Gabriel… yan ang sabon na aking nasulyapan! Aba’y akalain mong ang beauty soap ng kuya kong panganay ay meron pala dito! Pero nakaramdam din ako ng kaunting kalungkutan, Hindi pa kasi alam ng kuya ko na nasa Dubai na ako.
2 taon na ang nakakalipas ng magtungo ang kuya ko sa Italy upang makipagsapalaran. Gustuhin ko mang sumunod sa kanya doon, ayaw ko namang maging pabigat sa kanya.
___
Masaya ang naging unang araw ko dito, Mainit pero hindi maalinsangan. Nag-ayos na ako ng gamit sa maleta na maayos kong isinalansan sa aking tukador. Parang nasa QC or Makati lang ako. hahaha! Dami kasing pinoy.
To be continued…











if you need some carlift tawag ka lang sa 0506537386…ahaha numero ko yan
@lyzius, maraming salamat sa iyong tulong at mga tips.
it’s nice that you’re there already. I was wondering what happened to you after Wednesday. Nakarating ka na pala dyan at mukhang may wifi sa eroplano ha kaya nabasa mo pa si Miriam sa blog ko haha Anyhow ingat.
PS. yeah I have the vid, pero why not show it haha. Yung summer 2008 post ko part 1 pa lang yun, 10 part ata yun and I wont tell you what part of it will I post the vid haha. Maganda naman pare boses mo kaya let us show them sige na… haha
@Bluep, I give up, sige na nga i-post mo na, pero sana i-off mo yung comments dun sa youtube video, nakakahiya, lasing pa naman ako nun. haha! Ingat ka palagi… Pinsan… LOL! hahaha!
hehehehe!! good to know that you are somewhat adjusted na kahit na hindi pa nagsisink in na wala ka na sa pinas. hehehe!
@ifoundme, hindi na tayo masyado nagkakachat ah, ano nga palang balita dun sa pinatay sa Lucena? hanggang dito kalat na kalat ang balitang yan.
[...] Mix Glorioso on the other hand narrates his first day high experience in Dubai and how he bumped into a very familiar bath soap that is made locally in the Philippines. [...]
hahaha, shopping agad para dun sa mga kulang ha. talaga palang daming pinoy dyan ano?
@mommy kengks, haha, ang dami ko kasing naiwan na gamit dahil over sa bigat na ang maleta ko, kailangang bawasan ang mga gamit, sa kasamaang palad, pati mga pambahay kong damit naiwan ko.
huhu!
wow! goodluck!
@Geisha, SalamaS! haha!
Una palang , made in the Phil. na agad ang nakita mo hehehe. Yun ngang bus na service namin sa Dubai Hospital noon, made in tha phil. Iniisip ko noon kung paano na-import sa Dubai ang mahabang bus mula Pilipinas. lol
@nanay belen, honga nanay belen, nakakatuwa rin ang mga grocery dito, kasi ang daming Filipino foods, pati ang chichiryang clover talaga namang namumukadkad sa dami.
akalain mo ‘yon, asa dubai ka na pala…
eh di: assalam ‘alaikum, habibi… keepak?
he he he… hindi lang c.y. gabriel, pati nga likas papaya meron, at mabenta pa rin ang lucky me pancit canton.. he he he..
God bless bro.. ingat dyan.