Pagkatapos maglakbay ng 4,290 Milya mula sa pilipinas, sa taas na 34,000 feet at sa bilis na 512 Km/h sa loob ng 9 na oras. Narating ko rin ang Dubai. Isang bansa na wala sa mga plano ko ngayong taong ito, ngunit napuntahan ko sa tulong ng isang kaibigan.
Sa Australia sana o sa Netherlands ang punta ko ngayong taong ito, ngunit dahil sa pagkakataon at hindi maipaliwanag na dahilan (hindi daw maipaliwanag oh! haha!) Mas pinili ko ang Dubai.
Ilang taon akong hinubog ng Maynila upang maging independent, ito na ang ultimate challenge ksa aking sarili.
Hindi pa ako lumalabas ng bahay, mainit daw sa labas ngayon, naniniwala naman ako sa kanila kasi ang tubig sa gripo ay medyo maligamgam. Nakakulong lang ako sa kwarto at walang ganang kumain, sabik sa kung sino ang mag-oonline sa Yahoo Messenger ko. Mamaya ako magpopost ng mas detalyadong kwento tungkol sa aaking biyahe, Kailangan ko munang punan ang tawag ng kalikasan sapagkat sira/durog/sabog/humihilab ang aking tiyan dahil sa pagkain sa eroplano. Paalam muna. Mamaya ulit! ![]()










welcome sa dubey
@lyzius, maraming salamat, sanay magkita tayo bago ka umalis. Ingat!
tol, wag mo kakalimutan yun pasalubong ko next year ah. hahaha. buhangin.
@nika, naku nika, pangalawang araw ko na sa dubai ngunit ngayon ko lang nakita ang buhangin mong hinahangad. haha! dadalhan kita ng camel! moo! moo! haha parang baka!
uy, andyan ka na! welcome sa dubeyyyy. dahan dahan lang
@mommy kengks, naku talagang dahan dahan nga ako, medyo hindi pa kasi nagsisink-in na nasa malayong lugar na pala ako. hehe!
siguradong mag-enjoy ka dyan kasi free country , hindi kagaya ng Saudi .
Andyan pa ba yong Disco 2000? Safari Bar& Restaurant at saka yong Pilipino Restaurant sa KARAMA?
@Nanay belen, hindi pa po ako nakakarating sa karama, sa totoo lang, kahit nasa karama na siguro ako ay hindi ko pa alam. haha! naliligaw pa po ako, kailangan ko pa ng mapa. haha!
Mabuhay ka sir!! Sana hindi mo lang ma touchdown.. Sana ma hole in one mo din o kaya birdie.. haha!! Gudluck sa lupang ipinako este pinangako..
@emoboyblue, alam mo na ang gusto kong sabihin…
oi welcome home! you belong there dahil mukha kang arabo :d joke!
sayang di man lang kita nakita dito sa pinas nung paslit ka pa
pero enjoy jan! live life to the fullest. pahabain mo na biguti mo baka ma rape ka ng arabo
ehehhehe
@geisha, hindi naman ako mukhang arabo, mukha akong tanga dito kasi namamangha ako sa mga gusali!
Pag ba ni-rape with consent, rape ba yun? hahaha!
oi welcome home! you belong there dahil mukha kang arabo :d joke!
sayang di man lang kita nakita dito sa pinas nung paslit ka pa
pero enjoy jan! live life to the fullest. pahabain mo na bigoti mo baka ma rape ka ng arabo
ehehhehe
@geisha, pag nag post ako dito ng picture na tulala at tumutulo na ang laway, tiyak na na rape na ako ng arabo. Hahaha!
hindi ka na ba kinapkapan dyan? my libre pa din bang wi-fi dyan?lols..
ingat at gudluck=)
pasalubong next year ha!=)
@rio, hindi naman ako kinakapkapan, ang tanging sandata lang naman na dala ko ay ang lakas ng loob at tiwala sa diyos. Tiyak naman na wala yun sa bulsa ko. hahaha! libre ang wifi, pero hindi ako makapag-online palagi dahil nagaayos pa ako ng gamit.
buti di ka nag netherlands. i have a friend there and she was telling that holland have such insane tax system.
@iRonnie, totoo yan, isa ang netherlands sa may pinaka mataas na tax sa yuropa. Pero ang kagandahan lang doon, pag nawalan ka ng trabaho, bibigyan ka nila ng 2 months allowance para sa bahay mo (mortgage) pagkain at mga pang-araw araw na pangangailangan.
iRonnie, ba’t di ka nagpakita? grrr! ako! gusto ko kina-kapkapan ako! pag kinapkapan ako, voluntary na akong naghuhubad.
pramis. para wala nang problema you know.
hoy Mix! kainis u! bilis mo namang lumipad!
@mahal na reyna, sayang nga, kung sana napaaga ang uwi mo ay makikita kita ng personal at magpapa-autograph kami sayo ni bluep. haha!
God bless you sa iyong bagong pakikipagsapalaran! ano palang pagkakaabalahan mo dyan?
@Utoy, Maraming salamat sa iyong basbas, ang mga taong tulad ninyo ang nagpapalakas ng aking loob dito. Salamat ng marami sa inyong suporta. Naghahanap pa lang ako ng trabaho, pero sa kasalukuyan ay puro pasyal lang ako sa grocery at puro lakad sa kalye pag gabi.
Taga Dubai kana pala ngayon bro. Ingat ka sa mga arabo dyan ha.
@misyel, salamat misyel.
Nag-iingat talaga ako, sa katunayan, ang isang kamay ko ay may hawak na yosi at ang isang kamay ko naman ay hindi ko tinatanggal sa aking puwit. hahaha! mahirap na! baka ma-isahan pa ako!
aba. nasa dubai ka na pala kuya.
ingatz ka dyan.. ^_^ gudlak gudlak..
@karmi cute, salamat po.
wahaha, amp, dun moko ikuha sa mga sand dunes. kung san shinoot yun pelikula nila claudine, aga at john lloyd. hahaha. pag andun ka na, pede kang mag-emote mala the alchemist. habang nakatanaw sa malayo at iniisip si M. o di ba. hahahah.
@Nika, naku intriganess! hahaha! ayaw kong mag emote, ang gusto ko ay mag-imagine, na ako ay isang camel at nakasakay siya sa likod ko. Parang naglalaro lang. hahaha!
ang dami nyo ng bloggers na nasa dubai ah…napa wrong timing ata pagpunta mo at talaga namang sobrang init dyan lalo na this coming month pero sanayan lang din…
@Dakilang bayani, medyo mainit nga, pero palagay ko naman ay hindi ako aabutin dito ng heatsroke. haha! Hanggat kaya pa, go lang!
hello mix! ingatz ka lagi.