Ano pa nga ba ang magandang gawin pag nagkaron ng virus ang PC or laptop mo?
a. Gumanti at ipasa ang virus via e-mail sa iyong mga kaaway
b. Magpatay ng dalawang manok, isang pulang sisiw at i-alay sa anito upang mawala ang virus
c. Mag virus scan ng todo hanggang sumuko na ang virus at mamatay ng kusa
d. Mag back-up ng importanteng files gaya ng picture mo noong first communion mo, mp3’s na ninakaw sa internet, at movies na dinownload gamit ang torrent at sumuko na lang papunta sa huling option na walang iba kundi ang mag reformat ng buong HDD gamit ang Piratang Windows XP
Siempre, dahil ayoko ng “data loss” pinili ko ang letter “d” masama man ang loob ko dahil maraming programs ang kailangan i-reinstall ko at maraming tweaks akong uulitin.
Nakakainis pero kailangan…
Ok na ulit ako at ang next kong gagawin ay ang tapusin ang pending na posts ko lalo na ang tag sakin ni Iris na last week pa ata due.
Special thanks to Karen for lending me her HDD for backing-up my files and Meyn for keeping me company while I troubleshot my laptop. Boredom would kill me… Pramis.
Patay na ang virus…
Ang isang napakagandang lesson?
Hindi lahat ng libre ay mabuti… at may nabuo pa akong conspiracy theory tungkol sa virus, programs, at websites…
Itutuloy…










D din ang option ko lagi. hehe. ano antiV na gamit mo? sa akin kasi parang bihirang bihira mag alert. either ala talagang virus or di nakakadetect. lolz
@iRonnie, Avast Professional ang gamit ko, kaya lang, nung time na “naisahan” ako eh hindi updated ang virus definitions ko, auto-update na rin siya kaya lang ini-off ko muna dahil bumabagal lalo na pag bukas ang bitcomet ko. Katangahan ko. hahaha!
hehehe! pwede ba letter B na lang ang sagot?
@ifoundme, pwede naman pero hindi ko alam kung makikinig si anito sa mga technical qualms natin. hahaha!
walang anuman! marami din nman akong nahita sa pagpapahiram ko nitong napakamahal na bentang hdd ni benjie! hehe..
.. at salamat din sa maraming pagkaing inihain mo samen ni meyn habang nakikipagbuno ka sa mga virus– yun ang pinakamasarap na blood stew na natikman ko..at ang panceeeeet! yanong sarap lalo na at may sukang mahalang! =)