Lumipas ang maraming taon at marami rin kaming nakilala at naging kaibigan dahil sa pagbabanda. Dito sa Lucena, mas maraming “rockers” kaysa “hiphop” pero payapa naman silang namumuhay at kahit kailan ay wala akong narinig na away dahil lang sa tipo ng musika na kanilang pinapakinggan. Maraming “rockers” at maraming “posers…” pero hindi yan ang isusulat ko ngayon kundi ang mga naganap sa aming huling gig.
Natapos namin ang 3 “Metal” na kanta na inihanda namin, pero dahil may humirit ng “more” at pinagbigyan din naman ako ni ex-gf na magtanghal pa, ayun, ang 3rd song namin ay ang awitin na “Kaibigan” isinulat ko ang lyrics nito at ang tono naman ng kanta ay pinagtulungan naming isulat ni Meyn Pabellano. Click niyo lang kung gusto ninyong pakinggan. Kung ayaw ninyo, ok lang, naiintindihan kong dial-up ang internet mo. Joke! Wala kaming record nung mga Metal naming komposisyon dahil kapos sa badyet ang aming banda. Kaya kung meron mang butihing puso diyan na may studio, ikagagalak namin na mag-record ng kanta ng libre sa studio niyo!
Dahil sa Request na i-post ko ang recording (ulit! dahil nai-post ko na ito dati) at kay emoboyblue na i-post ko ang pic ng ex-gf ko dito… sige… hala… sige… pagbibigyan ko kayo. Ngunit isang munting paalala lamang… Ang recording na inyong maririnig ay rough recording - meaning hindi maganda ang kalidad nito, pangalawa, pinutol ko ang kanta at ginawa ko lamang 2 minutes, maniwala kayung nakaka-umay ang makinig ng isang kanta sa loob ng 8 minuto! OO! walong minuto ang kantang ito kaya dahil ayokong dumugo ang mga tenga ninyo eh 2 minutes na lang.
Sa larawan sa itaas, tumatawa ako, si Jhoram, at si Paul at mukhang wala namang pakialam si Meyn. Ayoko ko nang sabihin kung bahit kami tumatawa pero paramis, hahahaha! nakakatawa.
Isa na siguro sa routine ko bago kami magtanghal ang hindi pag-inom ng alak at ang hindi kumain. So, kung gabi ang gig namin, siguradong kumain ako ng ubod ng sarap at ubod ng dami noong tanghalian para hindi na ako kakain ng hapunan. Mahirap kasing kumanta pag busog, at hindi nakakatuwang magperform pag lasing. May mga taong kailangan maging lasing muna para, maka-awit, gitara, drums at kung anu-ano pa… pero mahirap maging tanga lalo na pag gumagawa ng mga bagay na kakaiba sa entablado.
Kaya naman hindi mo ako masisisi kung kumain ako ng 3 jumbo siopao at taho pagkatapos namin tumugtog, asahan mong tubig lang or C2 ang laman ng aking kumakalam na sikmura upang makapagtanghal lang ng maayos. Mahirap kasi talagang mapahiya lalo na kung live ang ginagawa… memorable hindi lang sayo… kundi pati sa mga nanunuod… hahaha! nakakahiya yun!
Pagkatapos ng last song namin, ang banda ng ex-gf ko naman ang nagperform. Kung ano ang history namin ng babaeng ito, ay hindi ko na siguro isusulat. Ayokong haluan ng lovelife ang blog ko, at bukod diyan ay may asawa at anak na siya.
Eto siya…
Sa larawan sa itaas, makikita ninyong kumakanta rin siya… Ang punchline ko nga sa kanya dati eh “come with me and we’ll make beautiful music together…” Ang beautiful music, tumagal din ng 3+ years. Pagakatapos noon ay… teka… hindi na ako magkekwento. Hahaha! Obvious naman na pareho kaming mahilig sa rock, pero maliban diyan wala na akong sasabihin. Digital camera nga pala ang ginamit sa pagkuha ng mga larawan sa mga post ko, pero dahil mausok ang lugar at akala mo’y kasama mo ang lola mo na nagsisilab ng dahon sa bakuran, eh ayan… malabo at mukhang low quality images ang lumabas. Walang exhaust + mga chain smoker na nagsamasama sa iisang kwarto + usok ng sisig at iba pang sizzling na pagkain = Usok na makapal! Kung lalagyan mo nga naman ng exhaust yung bar at lalagyan mo ng tubo patungo sa labas ng bar, eh baka akalain ng mga tao na may “newly elected pope!” dahil sa white smoke na lumalabas sa chimineya. Yan ang ex-gf ko. Labo.
Kitang kita sa larawan sa itaas na tinutubuan na ako ng sungay. Pero yan ay ang pimple na bunga ng aking pagpupuyat. Ang body-clock ko ay hindi ko na nabago simula noong magtrabaho ako sa callcenter. Ang alas 8 ng umaga ay hating-gabi para sa akin. Sa larawan sa itaas, kasama ko ang mga kababaihan sa kabilang lamesa. Sumitsit kasi yung isa at lumapit naman ako, ibinulong niya sakin ang mga katagang… “Ang tikas tikas mo papa… pwede bang akin ka na lang?” At siempre naman imahinasyon ko lang ang mga yan. hahaha! Mga kaibigan ko sila dahil kaibigan din sila ni peach. May tsismis din na yung lalaki na nasa background namin na may scarf ay isang bading. Punyemas… muntik pa namang magkiskisan ang katawan namin noong patungo akong CR… sinasadya pala! Grr! Hindi ako galit sa bakla, pero ang ayoko sa bakla ay yung walang respeto. At yung mga bakla na mas mukha pang lalaki kaysa sakin. Nakakainsulto! ahaha! ang macho!
Sa larawan sa itaas, yan ang kabilang table kung saan andiyan din ang iba ko pang kaibigan. Hindi ko na sila isusulat. At wala naman akong dapat isulat tungkol sa kanila… hehehe! pag-usapan natin ang ex-gf ko… hahaha! wag na lang… hahaha!
At dahil nakasusulasok at talagang amoy ashtray na ako, nalaos ang pamango kong acqua di gio. Nagdesisyon na akong umalis matapos panuorin ang huling banda na tumugtog. Kumakalam na ang sikmura ko, ang huling pagkain na lumapat sa mga labi ko ay ang aking kinain na dinuguan noong tanghali. Alas 2 na ng kami’y umalis, nagyaya akong kumain sa tapsilogan upang maibsan naman ang pangangailangan ng aking tiyan. Pero dahil diet at diet at walang katapusan na diet, isang rice lang ang kasama sa order kong lechon kawali at isang litrong C2.
Sa larawan sa itaas, makikitang namimili ako ng panawid gutom ko. Halos pare-pareho lang naman ang nasa menu, pero matiyaga ko pa ring sinuri kung ano ang aking kakainin…
Ang kinain ko na lechon-kawali, hindi man lang umabot sa lalamunan ko, nakaka-disappoint yung serving nung pagkain, dati kasi noong bagong bukas pa lang ang tapsilogang ito eh madami yung serving nila at napakabilis ng serbisyo. Pero humataw pa rin naman ako sa pagkain, siguro kahit swelas ng sapatos kakainin ko na sa sobrang gutom.
Si peach, ako at ang walang kamatayang “plastic” na ngiti ni Meyn. Hahaha!
Pagkatapos kumain, deretso kami sa tambayang computer shop. Kung may kaibigan ka na gusto mong makita, pumunta ka lang sa shop at makikita mo siya doon. Parang eye-to-eye ni inday badiday, hanapan ng mga nawawalang tao. Habang naglalaro na ang iba ng “Special Force” Ako, si Ice at si peach naman ay naiwan sa labas upang magkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay… natapos ang kwentuhan namin ng alas-5 na ng umaga. Wala naman kaming ibang pinagtalunan maliban sa isang bagay…
Na pogi points pala sa isang lalaki ang meron nang sexperience…
WAKAS


















lakas ng hatak pag musician, dami chicksss
@hibachi, naku hindi mo natatanong eh napakalakas din ng hatak namin sa mga bading. hahaha!
huwaw ganda nung tatlong babes, pakilala mo naman ako
@madbong, nakupo! hahaha! yung dalawa diyan may asawa at anak na, hahaha! si ice abeylabol pa. reto kita kung gs2 mo… haha!
naka naman kuya ampugi.
hehehe
daming babae ah.. ^_^
@karmi, hindi naman ako pogi… may hitsura lang… hahahaha!!! nakupo masamang biro yan. Yung mga babae na nasa pic eh mga kaibigan ko.
mukhang enjoy mo talaga yang buhay rakista ah
maganda yung isang girl sa picture.. yun ba yung ex mo? hehe.
may tag ako sayo
http://www.naptimerocks.com/2008/04/25/iris-eleven/
@Iris, mama iris gagawin ko tong tag na to ASAP. May tinatapos lang akong matagal nang pending.
yung ex ko eh yung naka blue na kumakanta sa band.
sana naman nilakihan mo yung pic ni ex..hehehe..=)
@rio, ayoko nang lakihan kasi baka isipin niya mahal ko pa siya. :)) hahaha!
very distinct ng boses mo ah.
pag narinig mo sa radyo, naks! masasabi mo agad na si mix yan.
@fill, naku ha, baka maniwala na ako nyan sayo! haha! ngayon lang kita ulit nakita, parang ang tagal mong nawala ah!
Di nga pogi points sa lalaki ang may sexperience na? Kaya pala puro pogi points ka na sir e!! Ang pogi mo talaga!! mwah..