Hindi ko alam kung bakit pagkagising ko kanina ay si kiko matsing agad ang nasa isip ko. Umaalingawngaw din sa aking utak ang kantang tinapang bangus na madalas awitin sa Batibot.
Isang batang Batibot ako. Lumaki ako na sumusubaybay sa palabas na ito, pagkatapos nito, sabay lipat sa kabilang istasyon para manuod ng Sesame Street.
Si ate shena, kuya bodjie, ning-ning, ging-ging, pong pagong, kapitan basa, direk, irma daldal, sitsiritsit, alibangbang, koko kwik-kwak, at sultan parachibum. Ang mga boses, galaw, turo, alindog, sayaw, kwento, at pagbibilang. Yan ang mga bagay na gigising sayo sa araw-araw na ginawa ng diyos. Sa murang isipan ko noon, napaniwala nila ako na ang mga alamat ay totoo, at si kuya bodjie ay isang aktibistang tahimik na humuhulma ng isip ng mga kabataang nanunuod nito.
Kaninang umaga, si kiko matsing ang unang pumasok sa isip ko pagkagising ko, yung boses nyang sadyang nakakakiliti sa tenga ang umaalingawngaw sa aking diwa. Hindi ko naman siya napanaginipan at mas sigurado akong hindi niya ako ini-incubus. Hindi ko ata ma-imagine na nire-rape ako ni kiko matsing sa panaginip.
Bigla ko tuloy naalala, bakit pag nananaginip ka na nasa cr ka at kaharap mo ang trono ay napapaihi ka sa saluwal at binabasa mo ang kama. Noong bata pa ako, umiiihi ako sa kama. Siyempre si erpats magagalit, bakit daw kasi hindi ako bumangon, eh diyos ko, babangon pa ba ako eh nilinlang na ako ng panaginip ko na nasa banyo na ako! yung tipong nakatutok na ang sandata at iihi ka na lang!
Balik tayo sa Batibot. Kumakain ako dati ng almusal, batibot ang kaharap ko. Pandesal na may cheezwhiz at kape. Ewan ko nga ba kung bakit bata pa ako ay kape na ang pinapainom sakin ng magulang ko. Kaya siguro malakas ang kaba sa dibdib ko pag dumadaan ang crush ko sa school. Ang paborito kong segment ay ang mga kwento ni kuya bodjie, dahil bata pa ako noon malakas ang imahinasyon ko, hindi kagaya ngayon na puro pantasya na, parang nilalaro niya ang utak ko pag siya ang nagkekwento ng napakalumanay.
Maraming naituro ang batibot, pero kahit na hindi ako tinuruan ng batibot na huwag umihi sa kama, at safe sex, PROUD batang batibot pa rin ako! hahaha!










haha retire na ako sa batibot…
pero lumaki din ako sa batibot at sesame street. memorya ko pa nga mga kanta nila till now eh hehe.
ako naman nanaginip na naihi sa pader at sa poste everytime na lasing ako. kaya di ako naglalasing masyado at nagtitira ng ulirat. mahirap mag bleach ng kobre kama LOL
@Bluep, sa pader pa talaga umiihi. Lumabag ka pa sa batas! haha!
bro hindi ako laking batibot dahil mas matanda ako sa iyo pero batang sesame street ako at electric company (hindi mo na siguro inabot ito). yung electric company, geared siya sa older kids na gradweyt na ng sesame street para sa development ng reading skills. pero dun nadiscover si morgan freeman. ang na-a-alala ko lang sa batibot yung ‘bolang bilog, wag tutulog-tulog….’ (tama ba yung linya?)
@madbong, naalala ko yung electric company, kinikwento sakin yun ng kuya ko. “perlas na bilog, wag kang tutulog-tulog, sabihin sa akin ang sagot, ba-be-bi-bo-boooo…” hahahaha!
hwow, batibot! naalala ko nun, nagseselos na ako kapag kinakantahan na ni ate shena si pongpara matulog. parang gusto kong manapak ng pagong. tapos, nung college ako, nagturo si ate shena sa UST (Miss Olazo sya that time), pandak pala sya, mahilig mag-itim, magshades at manigarilyo. nakakatakot, goth na goth ang dating. hula ko, kaya nawala ang batibot sa ere, nagpakamatay si pong nung minsang kantahan siya ni ate shena ng marilyn manson. hula lang naman.
bluep, magandang topic sa blog yun ah, “san madalas maiihi kapag lasing.”
@utoy, nagturo pala si ate shena sa UST? maganda ba siya sa personal? pag kasi naiisip ko siya ngayon ang naiimagine ko eh yung late 80’s looks niya. hehe! kaya daw nawala ang batibot ay nasunog yung studio at nandun lahat ng puppet… walang nakaligtas. haha!
ako din laking batibot. kaya ko pa ngang kantahin up to now ang tinapang bangus, at isda-da-da ni irma daldal. teka! bakit wala sa billing mo si manang bola at ang kanyang perlas na bilog? lolz
@ironnie, Honga ano! wala si manang bola! hehe! natawa ako, tama ka dun sa isda-da-da ni irma daldal. kinakanta ko tuloy sa isip ko ngayon ng paulit-ulit. haha!
na-aliw at nagsasabing babalik balik! pa exchange link utoy!
basta ako na ka EB ko si kiko matsing, ahahaha
pero ang mga little kengkays may mga cassete tapes ng batibot, pero ayaw daw nila sa boses ni kuya bodjie, bakit kaya, hmmm
@kenkay, Sayang nga hindi ako nakapunta ng EB, at hindi na ata ako makakapunta ever. Baka next year na lang.
ang cute ng mga little kengkays
nakita ko sa pic nyo ng EB!
nagturo sa Mass Com si Ate Shena during the early 90s. theater arts yata. yung nangyari sa batibot, ang totoong nangyari, lease lang daw ni Jim Henson si puppet ni Pong Pagong. Nung natapos ang contract, di na nila ma-renew at mahal na. biruin mo, hindi imported pala si pong!
hi! just wanna informed you that the batibot theme song writer, rene villanueva, has passed away last year december. All casts were present, there was a program held needless to say, at the sanctuarium. A very emotional remiscences.
Hi you are good! I’m a poet too, though not as good as you. You have such a great potential. Keep it up!