Puerto Galleria (My Puerto Galera Picture Gallery) pt.2

31 03 2008

Whew! Tumatagaktak ang pawis ko ngayon, hindi dahil sa init na dala ng summer kundi dahil sa mga gamot na iniinom ko upang malunasan ang sakit ko na 2 linggo nang nakatira sa loob ng katawan ko, nakapag-birthday party na ako at nakapunta sa Puerto pero ang sakit ko eh pabalik-balik pa rin.

Ang sarap sabayan ng workout ng pagpapawis ko, kaya lang baka naman lalo bumagsak katawan ko. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay at hindi ako nakatutok sa internet, bukas lang ang siya at nagda-download ng movie pero hindi ko siya ginagalaw.

Haay… Moving on, Dalawang araw lang kami sa Puerto, may trabaho kasi si Em kaya hindi kami pwede mag extend. Unless kasama namin si Maloi, kahit isang linggo pa! makasama ko lang siya! waaaa! Siyempre hindi ko ipopost lahat ng pics dito, hindi biro mag post ng 200+ na pictures ha! hahaha!

Noong unang araw ay marami kaming oras na pwede sayangin, masyadong mainit para magswimming at magliwaliw sa buhangin. Ang una naming ginawa ay ang humanap ng kwarto, may dala kaming tent pero dahil mura ang kwarto ay yun na lang ang pinili namin, sa halagang 600 Pesos isang gabi, para ka lang nag-motel sa Sta. Mesa.

Murang tirahan

Pagkatapos noon ay kumain kami ng ginto, mahal kasi ang pagkain at inumin. Habang naghihintay maluto ang inihaw na inorder namin, maya’t-maya ang lapit ng nagtitinda ng bracelet, nag-aalok ng snorkeling, banana boat at massage. Gutom na ako at wala akong naiintindihan sa sinasabi nila, blurred na rin ang tingin ko sa kanila na parang mga mumu. Gusto ko nang kumain, after 20 minutes, dumating na ang pagkain. Ang pinili ko ay inihaw na liempo at isang tasang kanin. Ang halaga ay 90 Pesos. Kung babalik ako dito, magdadala ako ng sarili kong pang-ihaw, sa tinirahan kasi namin ay may ihawan at lutuan din. Malaking matitipid pag may dalang sariling pagkain. Hindi praktikal kumain sa labas dahil ordinaryo lang ang lasa.

Ginto!

Pagkatapos kumain, bumalik kami sa aming kwarto upang ayusin ang aming mga gamit at upang makapag pahinga ng kaunti. Masyado pa talagang mainit para mamasyal. Matapos ang ilang sandali, hindi na mainit sa balat ang sinag ng araw. Hindi ako naglangoy noong unang araw, mas gusto ma-enjoy muna yung view ng mga magagandang tao at yung lugar. Kaunti lang ang tao, weekdays kasi pero mukhang mas ok nga kung ganito kasi solo mo ang beach at hindi ka nakikipag-agawan sa pagbili ng kung ano-man. Naglakad kami sa beach kasama ko ang magkasintahan na nakakainggit. Sa paglalakbay kong ito, isa lang ang nakayakap ko at mukhang ayaw ko nang pakawalan, hindi siya pumalag at hinayaan niya lang akong damahin ang kanyang katawan. Isang malaking bote ng C2!

Yakap

Noong hapon na, isa lang ang magandang gawin, maginarte sa beach, magmunimuni at tumingin sa abot ng aking matatanaw, namnamin ang pagkakataong nakarating ako dito.

Ang Pagiinarte Sa Dalampasigan

Takip Silim

Tia Maria’s

Matapos ang sunset, kami ay bumalik muli sa aming kwarto upang maligo at magpalit ng damit. Ang larawan sa itaas ay kuha sa Tia Maria’s.

Babala: Ang mga susunod na larawan ay maaaring makasira sa pagkatao ko.

Matapos kumain, siyempre konting inuman, konti talaga to the fact na tig-isang bote lang kami ni duduy, dala na rin ng pagod at antok, hindi kami humataw noong gabi.

Bago ko tapusin ang post na ito, ipapakilala ko sa inyo “si Aida, Lorna, at si Fe” Sila ang tatlong bading na waiter waitress sa munting bar na pinuntahan namin.

Si Aida

Si Aida ang una kong niyaya ng wrestling magpakuha, hindi naman siya nagdalawang isip at talagang “hayop” ang pag pose niya. Parang ako tuloy ang nahiya tumabi sa kanya.

Si Lorna

Siya si Lorna, siya ang kasunod kong niyaya ng suntukan magpakuha ng picture. Nakakatakot ang braso nito at akala mo’y sanay siya makipag bunong braso! Biniro ko siyang hahalikan sa malaki niyang noo, kinilig naman ang dalaga.

Si Fe

Siya si Fe, sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa, nasasagi ko na ang malambot ngunit peke niyang dibdib. Pagkatapos ng picture namin ni Lorna ay nagkusa na siyang magpakuha, akala siguro niya ay talent scout ako. Na naghahanap ng gaganap sa Shake Rattle and Roll 10!

Si Aida, si Lorna at si Fe, sila ang tatlong bading na hindi camera shy!

Hanggang dito na lang muna para sa ngayon, bukas ko ipopost ang huling parte ng aking adventure. :)


Actions

Information

11 responses

31 03 2008
Geisha

ang cute mo kuya! selos naman ako sa mga chicks mo.. lol

@geisha, Scary nga sila eh! hahaha! kayang kaya akong talunin sa suntukan nyang mga yan!

31 03 2008
Geisha

hahahha kaloka! mga kapatid ko pala yan.. sa miss gay na lang kami magtutuos! :lol:

31 03 2008
iris

kala ko siryoso ka ng humalik mix eh! haha kidding. at least nakapag-beach ka pa rin diba, kahit 2 days lang. ;)

@Iris, paghinalikan ko sila baka maging frog prince ako. hehe…

1 04 2008
sarcastic_saint

OMG sino mga girls na kasama mo sa last 3 pix?

aihehe :roll: ang kewl…

@saint,Mga bading po sila hahahaha!

1 04 2008
bluep

ahahaha nasa puerto galera ka nga kasi madami kang Syokoy na kasama LOL

may ilalaban ako dyan! si Malen, Si Pusa at si Jojie LOL

panoorin mo to mix, hahaha

http://www.heyokity.com/2008/03/diwas-angels.html

bakasyon muna ako ng 3 days sa rizal, ako naman ang magaadventure hehe

1 04 2008
bluep

teka, get well soon balita ko me sakit ka daw.

@bluep, Pabalik balik nga sakit ko, pero medyo ok na ako ngayon, hindi lang talaga makatutok ng matagal sa harap ng monitor. Ingat sa Rizal trip! pictures ha! hehehehe!

1 04 2008
Hiro

funny C2 pic…:)

2 04 2008
MARU

feel na feel mo sina A,L at F a! mukang kinikilig ka pa. hehehe!

@Maru, Medyo may litid na nanigas sakin… hahahahaha!

7 04 2008
brotherutoy

pagala-gala lang po ako at naligaw sa blog nyo. sobra po akong natawa sa mga angels nyo, pang-aksyon talaga at mga mukhang di paaapi!
babalik po ako para magbasa ulit.
btw, 600 po pala ang motel sa Sta.Mesa? ang mahal naman…

23 04 2008
jhonai

nu name nung place n pinagstayan nyo? thanks!

@jhonai, nakalimutan ko na yung pangalan nung place pero dun siya sa bago sumapit sa right side ng puerto, basta ang naaalala ko, malaki ang “hinaharap” noong nagbabantay doon at nakikipagflirt siya sakin. hehehe!

23 06 2009
anonymous

pwede malaman kung saan ung kwarto na tinirhan ninyo?.. san banda at may contact number ka?.. maraming salamat! :)

Leave a comment