Alas 4 na ng madaling araw ako nakatulog, busy kasi ako sa pagbabasa ng blog ng kung sino-sino. Natulog ako na masakit ang mata, patang may buhangin sa loob. Sanay naman ako sa puyatan, kasama kasi yan sa training sa callcenter, ang magpuyat. Kung may olympics lang ang pagpupuyat, sasali ako.
Madami akong iniisip kagabi, mga plans ko, mga tao, anong gagawin ko today. Pero kahit ano pa ang isipin ko, isang tao lang ang palagi kong naaalala. Si Maloi. Para sa akin, si Maloi ang larawan ng isang tunay na Filipina, mapagkumbaba, mabait, mapagmahal sa pamilya, marunong makisama, matamis ang mga ngiti, may paninindigan at may angking kagandahan.
Napanaginipan ko siya kagabi, yung tipo ng panaginip na ayaw mo nang magising dahil mas maganda ang fantasy kumpara sa reyalidad ng mundong ating ginagalawan. Maganda ang gising ko ngayon. Sariwa pa ang sa aking isipan ang panaginip na aking natunghayan. Kagyat kong isinulat ang bawat detalye ng aking panaginip, dahil iniwan kong bukas ang laptop ko magdamag ay madali kong nailathala ang aking maikli ngunit maligayang panaginip. Ang climax ng panaginip? Holding hands while walking in the beach during sunset when the sky is orange and the sun is red… Parang poster ang dating, parang postcard naman kung gusto mo ay medyo maliit.
May litrato ng beach sa kwarto ko, palagi ko itong tinitingnan, ako kasi ang taong mahilig sa beach, pero walang oras pumunta, at ayaw maging nognog sa itim. Ibang peace of mind ang dala ng larawang ito sa kwarto ko sa basement.
May malaking balot ng misteryo ang mga panaginip, ang sabi nila, ito daw ay buhay natin sa ibang wavelength ng pagiisip, ito naman daw ay mga frustration sa buhay sabi ng ilan. Mga bagay na mangyayari sa hinaharap, o mga bagay na hindi dapat masyadong binibigyan ng pansin.
May kaibigan ako noong college, Psychology pa ang course ko noon. Ang pangalan niya ay Marvin Sakay. Minsan, nag-usap na kami tungkol sa panaginip, may weird kasi siya na panaginip na hindi niya malilimutan. Eto ang kwento…
Ang setting ng panaginip ay nasa eskwela, nakaupo siya sa klase, at tinanong siya ng propesora tungkol sa isang may pagkasiyentipikong bagay. Nasagot niya ang tanong ng mapagmagaling na propesora, napaiyak ang propesora at naging unggoy (dinagdag ko lang ito kasi panaginip lang naman, testing lang sa pag bend ng reality, natuwa lang ang propesora at hindi naging unggoy at hindi rin umiyak.) Eto ang twilight zone ng kwento. Pagkagising niya, hinanap niya ang sagot. Ang nakakatawa, tama ang sagot niya sa panaginip. Ngayon… itinatanong niya sa akin kung saan nanggaling ang isinagot niya sa panaginip gayong ang bagay na sinabi niya sa panaginip ay ni-minsan ay hindi pa niya nabasa o nalaman. Ang sabi ko sa kanya, malamang isa lang sa mga kaklase niya sa panaginip ang nagbulong ng sagot.
Miss ko na siguro si Maloi, kaya napanaginipan ko siya. Malupit ang aking mga nakaraan, pero sa inialay sa aking pakikipagkaibigan ni Maloi, ang lahat ay naging malinaw, tao pa rin ako, hindi pusong bato, at may kakayahang magbago. ![]()










nakakatuwa lang kasi dati natutulog ako ng may radyo, tapos yun mga sinasabi sa radyo nakakasamam sa panaginip ko, minsan din yun mga lagi kong iniisip andun, ang pinaka-ayaw ko lang ay yung mga malimit kong panaginip kung saan either nawawala ako, trapped in a dark place at dun sa may humahabol sakin at papatayin ako. ang morbid pero lately ganun kaya i don’t sleep at night na.
Haha, so true!, I was once listening to AM radio when I fell asleep, the next thing I know, I was at the crime scene and saw the things happening there, of course it was just my imagination. haha! Ok lang ang panaginip, ok lang ang pangarap, wag lang sana bangungot! yay!
mix… good thing… is this your dream after our short chat? OMG… basta basta am happy for you… ako naman ndi sa simula ng panaginip… pag pagising na ako… kung ano ang tugtog sa radyo nasa panaginip ko rin… but yeah, the setting was so good… nway… GO GO GO… AJA!!!